Mga Tinig Ukol sa Paniniwala
HABANG patapos na ang nakaraang siglo, ang mga tinig na nagtataguyod sa siyensiya, pilosopiya, at sekularismo ay may matinding epekto sa paniniwala sa Diyos at sa pagiging kinasihan ng Bibliya.
Subalit hindi lamang ang mga ito ang tanging mga tinig na narinig. Nasumpungan ng maraming mananaliksik na maraming masasabi upang suportahan ang paniniwala sa Diyos sa halip na sa ateismo. Isiniwalat din ng kanilang mga pag-aaral ang saganang ebidensiya na ang Bibliya ang kinasihang Salita ng Diyos.
Ang isang prominenteng tinig ay yaong kay C. T. Russell. Milyun-milyon ang nakabasa ng kaniyang 1886 tomo ng The Divine Plan of the Ages. Ang isang mabisang kabanata roon ay “Napatunayan ang Pag-iral ng Kataas-taasang Matalinong Maylikha.”
Nang sumunod na mga dekada, sumulat si Russell ng mga artikulo, pulyeto, at mga aklat na naglaan ng matitibay na dahilan ukol sa paniniwala sa Diyos at sa Bibliya. Ang mga ito ay inilathala ng Watch Tower Bible and Tract Society. Ang ikalawang presidente nito, si J. F. Rutherford, ay sumulat ng Creation (1927) at iba pang mga akda na higit pang nagpalakas ng tinig ukol sa paniniwala.
Kamakailan ay naghanda ang samahang iyan ng sunod-sa-panahong impormasyon tungkol sa mga bagay na ito. Iyon ay mailalaan ng mga Saksi ni Jehova para sa iyong masusing pagsasaalang-alang.
Kung nais mo ng higit pang impormasyon o ibig mong may isang dumalaw sa iyo upang magdaos ng isang walang bayad na pantahanang pakikipag-aral sa iyo sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 2.