Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w95 3/15 p. 31
  • Ililigtas ni Jehova ang Lupa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ililigtas ni Jehova ang Lupa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
w95 3/15 p. 31

Ililigtas ni Jehova ang Lupa

SARADO nang ilang oras araw-araw ang isang paliparang nasa isla ng Maldives. Bakit? Sapagkat bumabaha sa runway kapag malaki ang tubig sa dagat, anupat nagiging di-ligtas ang paglapag ng mga eroplano. Nangangamba ang mga siyentipiko na ang pantay-dagat sa mga isla ng Maldives ay maaaring tumaas nang di-kukulangin sa isang metro sa susunod na siglo. Samantalang ito ay waring di-gaanong malaking antas, maaaring mawala sa mapa ang pitong islang bansa dahil sa gayong pagtaas. Sa katunayan, ayon sa UN Chronicle, ang dalawang-metrong pagtaas ng pantay-dagat ay maaaring maging sanhi ng paglubog ng isang buong kapuluan, na binubuo ng humigit-kumulang 1,200 isla!

Ano ang sanhi ng pagtaas ng pantay-dagat? Ayon sa UN Environment Program, dahil sa polusyon sa atmospera ng lupa bunga ng “greenhouse gases,” lumalawak ang dagat sa mas maiinit na lugar, natutunaw ang mga tulad-islang mga bloke ng yelo, at sa gayon, tumataas ang pantay-dagat. Ang Panos Institute na nasa London ay nagsasabi na ang polusyon ay “maaaring nagpasimula ng isang unti-unting pambuong-daigdig na kapahamakan na bumabago sa mismong mga hangganan ng lupa at dagat.”

Ang pag-init ng globo ay pinagtatalunan pa rin ng mga siyentipiko. Gayunman, makatitiyak tayo na ang mga suliranin sa kapaligiran ay hindi makahahadlang sa layunin ng Diyos. “Ang mabungang lupain ay matátatag,” sabi ng Bibliya. “Kailanma’y hindi ito mayayanig.” (1 Cronica 16:30) May kapamahalaan si Jehova sa kapaligiran ng lupa, at makapagsasaya tayo na malapit na niyang iligtas kapuwa ang lupa at ang sangkatauhan buhat sa pagkapahamak.​—Awit 24:1, 2; 135:6; 2 Pedro 3:13.

[Picture Credit Line sa pahina 31]

Larawan batay sa kuha ng NASA

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share