Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w95 7/1 p. 32
  • “Lampas Na sa mga Hangganan ng Katinuan”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Lampas Na sa mga Hangganan ng Katinuan”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
w95 7/1 p. 32

“Lampas Na sa mga Hangganan ng Katinuan”

“YAMANG sa isip ng mga tao nagsisimula ang mga digmaan, sa isip ng mga tao kailangang itayo natin ang mga balwarte ng kapayapaan.” (Saligang Batas ng UN Educational, Scientific, and Cultural Organization) Taglay sa isip ang ganitong pangungusap, noong 1993 mahigit na 500 dalubhasa na dumalo sa isang komperensiya sa pagbabawas ng armas ang nagsaalang-alang sa papel na ginagampanan ng relihiyon sa pagtatayo ng gayong balwarte.

Si Jonathan Granoff, kinatawan ng Lawyers’ Alliance for World Security, ang naging tagapamagitan para sa komperensiya. Ganito ang kaniyang sabi: “Ang lawak ng kasalukuyang alitang panrelihiyon at panlahi ay lampas na sa mga hangganan ng sibilisadong paggawi, marahil lampas na sa mga hangganan ng katinuan.” Ang mga salita ni John Kenneth Galbraith ay angkop na inulit sa komperensiya: “Higit pang dami ng mga tao ang nangamatay sa ngalan ng relihiyon kaysa sa lahat ng digmaan at likas na kapahamakan kung pagsasama-samahin.”

Si Dr. Seshagiri Rao ay nagsabi: “Ang mga doktor ay inaasahang magpapagaling at hindi magkakalat ng mga sakit. Ang relihiyosong mga tradisyon ay hindi inaasahang maghahasik ng poot at marahas na pagbabaka laban sa isa’t isa. Ang mga ito’y nilayon na maging mga puwersang tagapagkasundo. Subalit, sa gawa sila’y kadalasang kumilos at kumikilos pa rin bilang siyang sanhi ng pagkakabaha-bahagi.”

Mga ilang taon na ngayon ang nakalipas, ang London Catholic Herald ay nagkomento na matitiyak ang kapayapaan “kung ang mga relihiyon sa ngayon ay sama-samang magdedeklara ng pagsumpa laban sa digmaan.” Gayunman, isinusog ng pahayagan: “Batid natin na ito’y hindi mangyayari kailanman.” Isang dating madreng Katoliko ang nagkomento: “Anong laking pagkakaiba ng daigdig kung isang umaga tayong lahat ay magigising na desididong hindi na muling hahawak ng sandata, . . . katulad na katulad ng mga Saksi ni Jehova!”

[Picture Credit Line sa pahina 32]

Tom Haley/Sipa Press

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share