Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w96 2/15 p. 32
  • Ang Katotohanan ng Ebanghelyo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Katotohanan ng Ebanghelyo
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
w96 2/15 p. 32

Ang Katotohanan ng Ebanghelyo

ANG tatlong maliliit na bahagi ng isang manuskrito ng Ebanghelyo ni Mateo, kilala bilang P64, ay nasa pag-iingat ng Magdalen College sa Oxford, Inglatera, sapol noong 1901. Noong nakaraan, pinaniwalaan ng mga iskolar na ang mga ito ay naisulat noong huling bahagi ng ikalawang siglo C.E.

Kamakailan, pinangasiwaan ni Carsten P. Thiede, isang eksperto sa papyrology sa Paderborn, Alemanya, ang isang masusing pagsusuri sa P64, kabilang dito ang mga bahagi ng 10 bersikulo buhat sa Mateo kabanata 26. Ang resulta? Sa pagsulat sa Zeitschrift für Papyrologie und Epigraphik (Journal of Papyrology and Epigraphics), inilarawan ni Thiede ang mga bahagi ng Oxford bilang “isang bahagi ng Kristiyanong codex noong unang siglo, marahil (bagaman hindi tiyak) ay may petsang bago AD 70.”

Ang mga pagsusuri ni Thiede ay nagdulot ng malaking ligalig sa mga mámamahayág at sa kalipunan ng mga iskolar. Bakit? Sapagkat ang kasalukuyang tinatanggap bilang ang pinakamatandang nalabing bahagi ng teksto buhat sa Ebanghelyo ay ang P52, isang bahagi ng Ebanghelyo ni Juan na mula pa noong mga 125 C.E., o maaga noong ikalawang siglo.

Kung ang bagong petsa na ibinigay sa mga pirasong papiro ng P64 ay malawakan ding tatanggapin ay hindi pa rin tiyak. Gayunpaman, ang mas maagang petsa ay hindi lamang gagawa sa P64 bilang ang pinakamatandang piraso ng Ebanghelyo na umiiral; magbibigay rin ito ng karagdagang katibayan na ang Ebanghelyo ni Mateo ay totoong naisulat noong unang siglo, baka pa nga bago 70 C.E., nang ang maraming saksing nakakita sa mga pangyayari sa buhay ni Jesus ay nabubuhay pa upang patunayan ang katotohanan ng Ebanghelyo.

[Picture Credit Line sa pahina 32]

Sa kapahintulutan ng Presidente at mga Miyembro ng Magdalen College, Oxford.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share