“Iyon ay Gawa ni Jehova”
Ito ang pamagat ng isang artikulo sa El Norte, isang pahayagan ng Monterrey City, Mexico. Ang artikulo ay tungkol sa bagong Assembly Hall ng mga Saksi ni Jehova.
Ang Monterrey ay isang lunsod na may populasyon na 2,300,000 (kasali ang mga karatig na pook) sa hilagang bahagi ng Mexico, at ito ay may 19,200 mamamahayag ng Kaharian. Sa loob ng mga isa at kalahating taon, pinagsanib ng mga Saksi ang kanilang pagsisikap na itayo ang isang maganda at praktikal na Assembly Hall na may 3,000 maalwang upuan at air conditioning. Nagsaya ang mga Saksi sa lugar na iyon nang isang miyembro ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova ang nagbigay ng pahayag sa pag-aalay. Kasali sa programa ang isang maikling kasaysayan ng gawain sa Monterrey, at kinapanayam yaong mga nakibahagi sa pagtatayo. Pagkatapos ay nasiyahan sa pahayag sa pag-aalay ang 4,500 na dumalo sa pulong.
Ito ang ikatlo sa mga bagong Assembly Hall na itinayo sa Mexico na bahagi ng inilarawan bilang isang kampanya para sa “Mas Marami, Mas Malalaki, at Mas Maiinam na Kingdom Hall at Assembly Hall.”
Dahil sa mahigit sa 443,000 mamamahayag sa Mexico, at sa 1,492,500 na dumalo sa Memoryal noong 1995, ang mga bagong Assembly Hall, tulad ng isang ito sa Monterrey, ay tiyak na magsisilbi ukol sa layunin ng Diyos.