Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w97 2/15 p. 32
  • Ang Katotohanan Tungkol sa Impiyerno

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Katotohanan Tungkol sa Impiyerno
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
w97 2/15 p. 32

Ang Katotohanan Tungkol sa Impiyerno

ISANG report ng komisyon para sa doktrina ng Church of England ang nagsasaad na ang impiyerno ay hindi naman pala maapoy na hurno; sa halip, iyon ay isang di-literal na dako ng kawalan. “Maraming dahilan sa pagbabagong ito,” ang paliwanag ng report. “Subalit kabilang sa mga ito ang moral na pagtutol buhat sa loob at labas ng Kristiyanong pananampalataya laban sa isang relihiyon ng takot, at isang lumalagong pagkaunawa na ang palagay tungkol sa Diyos bilang isa na nagbubulid ng milyun-milyon sa walang-hanggang pagpapahirap ay salungat sa kapahayagan ng pag-ibig ng Diyos na nasa kay Kristo.”

Ang pagkabalisang ito sa tradisyunal na pangmalas sa impiyerno ay hindi lamang nangyayari sa Church of England. Nasusumpungan ng mga tao sa iba’t ibang denominasyon na mahirap sambahin ang isang mapaghiganting Diyos na sumusunog sa mga makasalanan. “Gusto ng mga tao ang isang Diyos na magiliw at mapagmahal,” ang sabi ni Jackson Carroll, propesor sa relihiyon at lipunan sa Divinity School ng Duke University. “Salungat sa kasalukuyang kultura ang magsalita tungkol sa kasalanan at pagkadama ng pagkakasala.”

Matagal nang pinaniniwalaan ng mga Saksi ni Jehova na ang impiyerno, gaya ng turo ng Bibliya hinggil dito, ay karaniwang libingan lamang ng mga taong namatay.​—hindi isang dako ng maapoy na pagpapahirap. Nanghahawakan sila sa ganitong pangmalas, hindi dahil sa popular ito, kundi dahil sa sinasabi ng Bibliya: “Hindi nalalaman ng mga patay ang anuman . . . Walang gawa ni katha man ni kaalaman man ni karunungan man sa Sheol [“impiyerno,” Katolikong Douay Version].”​—Eclesiastes 9:5, 10.

Taglay ang ganitong malinaw na unawa sa kalagayan ng mga patay, ganito ang isinulat noong 1896 ni Charles Taze Russell, ang unang presidente ng Samahang Watch Tower: “Wala kaming nasumpungan [sa Bibliya] na gayong dako ng walang-hanggang pagpapahirap na gaya ng may-kamaliang itinuturo ng mga kredo at mga aklat-awitan, at ng maraming tagapangaral. Gayunman nasumpungan namin ang isang ‘impiyerno,’ ang sheol, hades, na siyang inihatol sa lahat ng ating lahi dahil sa kasalanan ni Adan, at doo’y tinubos ang lahat sa pamamagitan ng kamatayan ng ating Panginoon; at ang ‘impiyernong’ iyon ay ang libingan​—ang patay na kalagayan.”

Kaya sa mahigit na isang siglo, itinuturo na ng mga Saksi ni Jehova ang Biblikal na katotohanan tungkol sa impiyerno.

[Larawan sa pahina 32]

Charles T. Russell

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share