Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w98 2/15 p. 32
  • Pupuksain Kaya ng Diyos ang Sanlibutan?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pupuksain Kaya ng Diyos ang Sanlibutan?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
w98 2/15 p. 32

Pupuksain Kaya ng Diyos ang Sanlibutan?

AYON kay Pope John Paul II, ang mga tao ay makaaasa nang may pagtitiwala sa hinaharap. Sa buong kasaysayan, sinabi niya, “ang mga tao ay patuloy na nagkakasala, marahil ay mas grabe pa nga kaysa sa inilarawan noong bago ang baha.” Gayunman, ipinaliwanag ng papa, “batay sa mga salita ng tipan ng Diyos kay Noe ay nalalaman natin ngayon na walang kasalanan na makapagtutulak sa Diyos upang puksain ang sanlibutan na siya mismo ang lumalang.”

Totoo ba na hindi kailanman pupuksain ng Diyos ang sanlibutan? Sinasabi ng Bibliya na pagkatapos ng Delubyo, sinabi ng Diyos kay Noe: “Hindi na lilipulin pa ang lahat ng laman sa pamamagitan ng tubig ng isang delubyo, at hindi na magkakaroon pa ng delubyo na sisira sa lupa.” (Genesis 9:11) Sinasabi ng papa na salig sa mga salitang ito, “obligado [ang Diyos] na ingatan [ang lupa] buhat sa pagkapuksa.”

Nililiwanag ng Bibliya na hindi pahihintulutan ng Maylalang na masira ang ating planeta. “Ang lupa ay nananatili hanggang sa panahong walang takda,” ang sabi ng Bibliya. (Eclesiastes 1:4) Subalit mayroon pa tayong matututuhan mula sa Delubyo​—isang bagay na hindi kinomentuhan ng papa.

Sinabi ni Jesus na ang mga kalagayan sa lupa sa panahon ng kaniyang pagkanaririto sa hinaharap ay magiging gaya ng “kung paano ang mga araw ni Noe,” nang ang mga tao ay ‘hindi nagbigay-pansin hanggang sa dumating ang baha at tinangay silang lahat.’ (Mateo 24:37-39) Gayundin naman, sumulat si apostol Pedro na kung paanong “ang sanlibutan ng panahong iyon ay dumanas ng pagkapuksa nang ito ay maapawan ng tubig,” ang “araw ng paghuhukom at ng pagkapuksa ng mga taong di-maka-Diyos” ay nagbabanta rin naman sa kasalukuyang sanlibutan.​—2 Pedro 3:5-7.

Nalimutan ba nina Jesus at Pedro ang tungkol sa tipan ng Diyos kay Noe? Tiyak na hindi! Kagaya ng kaniyang sinabi sa pakikipagtipan kay Noe, ang Diyos ay hindi gagamit ng tubig-baha upang wakasan ang balakyot na sistemang ito ng mga bagay. Sa halip, gagamitin niya ang kapangyarihan ng “Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon,” si Jesu-Kristo. (Apocalipsis [Apocalypse] 19:11-21) Kung gayon, ayon sa Bibliya ay hindi pupuksain ang lupa, subalit ang “sanlibutan” ng balakyot na sangkatauhan ay walang-pagsalang magwawakas. (Kawikaan 2:21, 22; Apocalipsis 11:18) Pagkatapos, “ang matuwid ay magmamana ng lupa, at sila’y maninirahan dito magpakailanman.”​—Awit 37:29.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share