Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w98 9/1 p. 29
  • “Ingatan Ninyo Kung Ano ang Inyong Taglay”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Ingatan Ninyo Kung Ano ang Inyong Taglay”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Nasumpungan Ko ang Tunay na Kayamanan sa Australia
    Gumising!—1994
  • “Sila’y Tiyak na Lalaban sa Iyo, Ngunit Sila’y Hindi Mananaig Laban sa Iyo”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Umaakay sa Pagsulong ang Tiyaga
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Kung Paano Malalaman Kung Sino ang Dapat Sundin
    Matuto Mula sa Dakilang Guro
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
w98 9/1 p. 29

“Ingatan Ninyo Kung Ano ang Inyong Taglay”

Isang grupo ng mga Saksi ang nangangaral sa isa sa mga 30 isla na bumubuo sa Cyclades Islands ng Gresya. Habang ang dalawa sa kanila ay nagbabahay-bahay sa isang lansangan, nasalubong nila ang isang pulis na nagsabi sa kanilang sundan siya patungo sa istasyon ng pulisya. Hindi pa natatagalan pagdating nila sa istasyon ng pulisya, tumunog ang telepono. Nasa linya ang pari ng nayon. “Nabalitaan ko na may mga Saksi ni Jehova sa nayon,” sabi niya. “Oo, dalawa sa kanila ang naririto,” sagot ng pulis. “Pupunta ako diyan ngayon din.” Sa tono ng pag-uusap, medyo nag-alala ang mga kapatid.

Subalit pagdating niya, ang pari ay ngumiti, nakipagkamay sa kanila, at naupo sa tabi ng pulis. Sa pagpapatuloy ng usapan, ang pulis ay nakipagtalo samantalang ang pari ay nanatiling makatuwiran at magalang. Sinabihan niya ang pulis na huwag niyang mamaliitin ang mga Saksi, at idinagdag pa niya: “Masasagot nila ang anumang tanong dahil nagsasanay sila sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro. Mas madaling yanigin ang lupa sa kinaroroonan nito kaysa sa baguhin ang pananampalataya ng isa sa mga Saksi ni Jehova.”

Habang nangangaral nang sumunod na araw, nakaharap muli ng mga kapatid ang pari at kanilang tinanong: “Bakit naging lubhang palakaibigan ka sa amin noong nag-uusap tayo sa istasyon ng pulisya?” Sinabi sa kanila ng pari na marami siyang kilalang Saksi sa Syros at maraming taon na siyang nagbabasa ng mga magasing Bantayan at Gumising! Sa katunayan, sa ilang pagkakataon ay nagdala siya ng isang magasing Bantayan, itinago iyon sa isang folder, at ginamit iyon sa kaniyang sermon sa simbahan. Ang sabi niya: “Sa palagay ko’y hindi magiging kasiya-siya ang buhay kung wala ako ng inyong literatura. Iyan ang nagbibigay sa akin ng pag-asa.”

Pagkaraan, sinabi ng pari sa mga Saksi: “May sasabihin ako sa inyo. Ingatan ninyo kung ano ang inyong taglay. Huwag na huwag kayong magkamaling iwan ito. Ang sinasabi ko sa inyo ngayon ang siyang pinakamahusay na sermon na nabigkas ko kailanman, at hindi ko basta sinasabi lamang ito; galing ito sa aking puso.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share