Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w99 7/1 p. 28-29
  • Binigkas ang Pangalan ng Diyos sa Israel

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Binigkas ang Pangalan ng Diyos sa Israel
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Mali Bang Bigkasin ang Pangalan ng Diyos?
    Gumising!—1999
  • Bakit Kailangang Makilala Natin ang Pangalan ng Diyos
    Ang Banal na Pangalan na Mananatili Magpakailanman
  • Kung Paano Mo Makikilala ang Diyos sa Pangalan
    Gumising!—2004
  • Ang Banal na Pangalan—Ang Paggamit at Kahulugan Nito
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
w99 7/1 p. 28-29

Binigkas ang Pangalan ng Diyos sa Israel

SA LOOB ng maraming siglo, mahigpit na pinagbabawalan ng tradisyonal na Judaismo ang mga tagasunod nito na bigkasin ang banal na pangalan, ang Jehova. Ayon sa Mishnah, sinumang bumibigkas ng pangalan ng Diyos ay “walang bahagi sa sanlibutang darating.”​—Sanhedrin 10:1.a

Noong Enero 30, 1995, sadyang binanggit ng dating Sephardikong punong rabbi sa Israel ang banal na pangalan. Ginawa niya ito habang binibigkas ang isang tikkun, ang panalangin ng isang deboto ng Cabala ukol sa pagtutuwid. Sinambit ang panalanging ito upang hilingin sa Diyos na ibalik ang isang antas ng kaayusan sa sansinukob, na, ayon sa mga mananamba, ay ginulo ng mga puwersang balakyot. Ganito ang sabi ng pahayagang Yedioth Aharonoth, ng Pebrero 6, 1995: “Ito ay isang seremonya na totoong makapangyarihan anupat ang mga pananalita nito ay lumilitaw lamang sa isang pantanging buklet na hindi ipinagbibili sa publiko.” Ang pagtawag sa pangalan ng Diyos sa ganitong paraan ay inaakalang magbibigay ng pantanging bisa sa kahilingan.

Kapansin-pansin na iniuutos ng Bibliya sa mga lingkod ng Diyos na gamitin ang banal na pangalan, ang Jehova. (Exodo 3:15; Kawikaan 18:10; Isaias 12:4; Zefanias 3:9) Ang pangalang iyan ay lumilitaw nang halos 7,000 beses sa orihinal na Hebreong teksto ng Bibliya. Gayunman, ang Bibliya ay nagbababala laban sa maling paggamit sa pangalan ng Diyos. Ganito ang sinasabi ng ikatlo sa Sampung Utos: “Huwag mong gagamitin ang pangalan ni Jehova na iyong Diyos sa walang-kabuluhang paraan, sapagkat hindi hahayaan ni Jehova na di-naparurusahan ang gumagamit ng kaniyang pangalan sa walang-kabuluhang paraan.” (Exodo 20:7) Paano nagagamit ang pangalan ng Diyos sa walang-kabuluhang paraan? Sinabi sa isang komentaryo ng The Jewish Publication Society na maaaring kalakip sa salitang Hebreo na isinaling “sa walang-kabuluhang paraan” hindi lamang ang “walang-kapararakang paggamit” ng banal na pangalan kundi pati na rin “ang pagbigkas ng hindi kinakailangang pagpapala.”

Kung gayon, paano natin dapat malasin ang panalanging tikkun ng isang deboto sa Cabala ukol sa pagtutuwid? Ano ba ang pinagmulan nito? Noong ika-12 at ika-13 siglo C.E., isang mahiwagang anyo ng Judaismo, na tinatawag na Cabala, ang nagsimulang maging popular. Noong ika-16 na siglo, ipinakilala ni Isaac Luria, isang rabbi, ang “tikkunim” sa seremonya ng Cabala. Ang pangalan ng Diyos ay ginamit bilang isang mahiwagang orasyon na may pantanging kapangyarihan at ito ay naging bahagi ng ritwal ng Cabala. Sa palagay mo ba ay isa itong wastong paggamit ng pangalan ng Diyos?​—Deuteronomio 18:10-12.

Paano mo man sagutin ang tanong na iyan, sasang-ayon ka na ang hayagang pagbigkas sa pangalan ng Diyos sa modernong-panahong Israel ay totoong isang di-pangkaraniwang pangyayari. Gayunman, inihula ng Diyos mismo: “Sa araw na iyon ay tiyak na sasabihin ninyo: ‘Magpasalamat kayo kay Jehova! Tumawag kayo sa kaniyang pangalan. Ihayag ninyo sa gitna ng mga bayan ang kaniyang mga pakikitungo. Banggitin ninyo na ang kaniyang pangalan ay natanyag. Umawit kayo kay Jehova, sapagkat siya ay gumawa ng mga dakilang bagay. Ito ay inihahayag sa buong lupa.’ ”​—Isaias 12:4, 5.

Mabuti naman, sa Israel, gaya sa mahigit na 230 bansa sa buong daigdig, ginagawa ng mga Saksi ni Jehova ang lahat ng pagsisikap upang matulungan ang kanilang kapuwa na magtamo ng tumpak na kaalaman tungkol kay Jehova. Umaasa sila na marami pa ang makauunawa sa kahulugan ng mga tekstong gaya ng Awit 91:14: “Dahil iniukol niya sa akin [kay Jehova] ang kaniyang pagmamahal, ililigtas ko rin siya. Ipagsasanggalang ko siya sapagkat nalaman niya ang aking pangalan.”

[Talababa]

a Ang Mishnah ay isang kalipunan ng mga komentaryong idinagdag sa Makakasulatang batas, salig sa mga paliwanag ng mga rabbi na tinatawag na Tannaim (mga guro). Isinulat iyon sa pagtatapos ng ikalawa at pagsisimula ng ikatlong siglo C. E.

[Larawan sa pahina 28]

Dito sa Negeb, ang pangalan ni Jehova at ang kaniyang Salita ay ipinakikilala ng kaniyang bayan

[Larawan sa pahina 29]

Poster na may pangalan ng Diyos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share