Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w99 12/15 p. 3-4
  • Pasko sa Silangan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pasko sa Silangan
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Pasko—Bakit Pati sa Silangan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Dapat Mo Bang Ipagdiwang ang Pasko?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Ano ang Kahulugan sa Iyo ng Pasko?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Ang Pasko—Bakit Totoong Popular sa Hapón?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
w99 12/15 p. 3-4

Pasko sa Silangan

• MGA DALAWANG DAANG TAON NA ANG NAKALIPAS, isang kilalang Koreanong iskolar ang nagpunta sa Peking, Tsina. Sa pagtitig sa isang ipinintang larawan sa kisame ng isang katedral, nakita niya ang isang larawan ni Maria na karga-karga ang batang si Jesus sa kaniyang mga bisig. Ganito ang sabi niya tungkol sa nakagugulat na ipinintang larawang ito:

“Kalung-kalong ng isang babae ang mukhang-sakiting bata, mga lima o anim na taóng gulang, sa kaniyang kandungan. Waring hindi niya maitaas ang kaniyang ulo, para bang hindi niya makuhang tingnan ang kaniyang anak dahil sa awa. At sa likuran nila ay napakaraming kaluluwa at mga sanggol na may mga pakpak na lumilipad sa palibot. Habang tinititigan ko ito sa itaas, para bang mahuhulog sila sa akin sa anumang sandali. Sa pagkabigla, iniladlad ko ang aking kamay upang saluhin sila.”

NANGYARI iyan matagal nang panahon pagkatapos magsimula ang Repormasyon sa Europa, matagal nang panahon pagkatapos ng malagim na panahon noong Edad Medya. Subalit sa karamihan ng taga-Silangan, ang Kristiyanismo ay hindi pamilyar na gaya ng ipinintang larawan mismo. Kay laki na ng ipinagbago ng kalagayang ito! Tuwing Kapaskuhan, itinatampok ang mga tagpo tungkol sa sanggol na si Jesus. Naging pamilyar na sa Silangan ang gayong mga tagpo, at maraming lansangan doon ang ngayo’y katulad niyaong sa Europa.

Noong gabi ng Nobyembre 25, 1998, isang buwan bago ang Pasko, ang Champs Élysées sa Paris ay buong liwanag na natatanglawan ng mahigit na 100,000 bombilya sa 300 punungkahoy na nakahanay sa kilalang abenida na ito. Kung ihahambing, sa isang lansangan sa kabayanan ng Seoul, Korea, isang napakalaking Krismas tri ang idinispley ng isang malaking department store at nagsimulang magbigay ng liwanag sa gabi sa kabiserang lunsod na iyon. Di-nagtagal ang mga lansangan nito ay napapalamutian ng mga dekorasyon sa Pasko.

Ang telebisyon, radyo, at mga pahayagan ay nagharap ng mga programang nauugnay sa Pasko araw-araw. Palibhasa’y napukaw ng Kapaskuhan, ang buong bansa ay naging abala sa pagsalubong sa pagtatapos ng taon. Ang mga simbahan sa Seoul, na ang dami nito ay ikinagugulat ng maraming bisita, ay dali-daling ginayakan. Kaya, ang Korea at ang iba pang bansa sa Silangan ay nalipos ng diwa ng Pasko kasabay ng panahon na ang Estados Unidos naman ay abalang-abala sa pagdiriwang nito ng Araw ng Pasasalamat sa dakong huli ng Nobyembre.

Ang karamihan ng mga bansa sa Silangan ay hindi itinuturing na bahagi ng Sangkakristiyanuhan. Halimbawa, 26.3 porsiyento lamang ng populasyon sa Korea ang nag-aangking Kristiyano. Sa Hong Kong ito ay 7.9 na porsiyento, sa Taiwan ay 7.4 na porsiyento, at sa Hapón ay 1.2 porsiyento lamang. Maliwanag, karamihan sa mga taga-Silangan ay hindi naniniwala sa Kristiyanismo, subalit tila hindi naman sila tumututol sa pagdiriwang ng Pasko. Sa katunayan, waring madalas na mas masigasig pa sila tungkol dito kaysa sa mga nasa Kanluran. Halimbawa, ang Hong Kong ay kilalang-kilala sa magarbong pagdiriwang nito ng Pasko, kahit na ang karamihan ng mga mamamayan nito ay alinman sa mga Budista o Taoista. Pati na sa Tsina, kung saan 0.1 porsiyento lamang ang nag-aangking Kristiyano, napakabilis na nagiging popular ang Pasko.

Bakit malaganap na ipinagdiriwang ang Pasko sa Silangan? Bakit nakikisali sa pagdiriwang ng Pasko pati na ang mga taong hindi tumatanggap kay Jesus bilang ang Mesiyas, na itinuturing ng karamihan na nag-aangking mga Kristiyano na kaniyang kapanganakan? Dapat bang tularan ng tunay na mga Kristiyano ang kanilang pangmalas tungkol sa Pasko? Makikita natin ang mga kasagutan habang isinasaalang-alang natin kung paano naging popular ang Pasko sa Korea, isang matandang bansa sa Silangan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share