Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w12 6/1 p. 7
  • Magkakatugmang mga Aklat

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Magkakatugmang mga Aklat
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Pangkalahatang Pagkakasuwato ng Bibliya
    Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?
  • Binhi
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ang Kamangha-manghang Tema ng Bibliya
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
  • Ang Binhi ng Serpiyente—Paano Inilantad?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
w12 6/1 p. 7
Manunulat ng Bibliya

Magkakatugmang mga Aklat

“Ang hula ay hindi kailanman dumating sa pamamagitan ng kalooban ng tao, kundi ang mga tao ay nagsalita mula sa Diyos habang ginagabayan sila ng banal na espiritu.”​—2 PEDRO 1:21.

BAKIT NAIIBA ANG BIBLIYA? Ang sinaunang mga rekord ay madalas na nagkakasalungatan kahit pa isinulat ang mga ito sa loob ng iisang panahon. Ang mga aklat na isinulat ng magkakaibang tao, sa magkakaibang lugar, at sa magkakaibang panahon ay bihirang magtugma. Pero sinasabi ng Bibliya na ang 66 na aklat nito ay may iisang Awtor lang​—kaya magkakatugma ang mensahe nito.​—2 Timoteo 3:16.

HALIMBAWA: Si Moises, isang pastol noong ika-16 na siglo B.C.E., ay may isinulat sa unang aklat ng Bibliya tungkol sa isang “binhi” na darating para iligtas ang mga tao. Nang maglaon, inihula ng aklat na iyon na ang magiging mga ninuno ng binhi ay sina Abraham, Isaac, at Jacob. (Genesis 3:15; 22:17, 18; 26:24; 28:14) Pagkalipas ng mga 500 taon, isiniwalat ni propeta Natan na ang binhi ay magmumula sa maharlikang angkan ni David. (2 Samuel 7:12) Isang libong taon naman pagkatapos nito, ipinaliwanag ni apostol Pablo na ang bubuo sa binhi ay si Jesus at isang grupo ng mga piniling tagasunod niya. (Roma 1:1-4; Galacia 3:16, 29) Pinakahuli, sa pagtatapos ng unang siglo C.E., inihula ng huling aklat ng Bibliya na ang mga miyembro ng binhi ay magpapatotoo sa lupa tungkol kay Jesus, bubuhaying muli tungo sa langit, at maghaharing kasama ni Jesus sa loob ng 1,000 taon. Ang binhing ito ang pupuksa sa Diyablo at magliligtas sa mga tao.​—Apocalipsis 12:17; 20:6-10.

ANG SABI NG MGA KOMENTARISTA SA BIBLIYA: Matapos suriing mabuti ang 66 na aklat ng Bibliya, isinulat ni Louis Gaussen na namangha siya sa “kapansin-pansing pagkakatugma ng aklat na ito, na isinulat sa loob ng isang libo’t limang daang taon ng napakaraming awtor, . . . pero nagkaroon sila ng iisang tunguhin at nagpatuloy sa pagtataguyod nito, kahit hindi nila ito lubusang nauunawaan, samakatuwid nga, ang kasaysayan ng pagtubos ng Anak ng Diyos sa daigdig.”​—Theopneusty​—The Plenary Inspiration of the Holy Scriptures.

ANO SA PALAGAY MO? Posible bang magtugma ang mga akdang isinulat ng 40 lalaki sa loob nang mahigit 1,500 taon? O talagang natatangi ang Bibliya?

“Kapag pinagsama-sama ang mga akdang ito, bumubuo ito ng isang aklat . . . Walang panitikan sa daigdig ang makatutulad o makapapantay rito.”​—THE PROBLEM OF THE OLD TESTAMENT, NI JAMES ORR

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share