Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w14 7/1 p. 3
  • Laganap ang Masasamang Bagay!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Laganap ang Masasamang Bagay!
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit Nangyayari ang Masasamang Bagay sa Mabubuting Tao?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Bakit Pinahihintulutan ng Diyos ang Kasamaan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Bakit Tayo Hinahayaan ng Diyos na Magdusa?
    Gumising!—2004
  • Ang Diyos ba ang Dapat Sisihin sa Ating Pagdurusa?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
w14 7/1 p. 3

TAMPOK NA PAKSA | BAKIT NANGYAYARI ANG MASASAMANG BAGAY SA MABUBUTING TAO?

Laganap ang Masasamang Bagay!

Pamilyang nagdadalamhati

Kilalang mapagmahal at mapagmalasakit si Smita,a isang 35-anyos na taga-Dhaka, Bangladesh. Masipag at masayahin siyang maybahay at gusto niyang tulungan ang iba na matuto tungkol sa Diyos. Gulát na gulát ang mga kapamilya at kaibigan niya nang biglang magkasakit si Smita at wala pang isang linggo ay namatay na!

Si James at ang kaniyang misis, parehong mahigit 30 anyos, ay mapagmahal ding gaya ni Smita. Minsan, dinalaw nila ang kanilang mga kaibigan sa West Coast ng Estados Unidos. Hindi na sila nakauwi sa New York. Namatay sila sa isang aksidente sa sasakyan, na labis na ipinagdalamhati ng mga mahal nila sa buhay at katrabaho.

Hindi mo na kailangang lumayo pa para makitang laganap ngayon ang kasamaan at pagdurusa. Kapuwa sibilyan at sundalo ay namamatay sa digmaan. Biktima ng krimen at karahasan ang inosenteng mga tao. Walang pinipili ang mga aksidente at malulubhang sakit. Binubura sa mapa ng mga kalamidad ang mga komunidad. Talamak ang diskriminasyon at kawalang katarungan. Marahil ay naging biktima ka na ng isa sa mga ito.

Natural lang na magtanong:

  • Bakit nangyayari ang masasamang bagay sa mabubuting tao?

  • Dapat bang isisi sa Diyos ang mga ito?

  • Nagkataon lang ba o gawang-tao ang mga kalamidad at trahedya?

  • Dahil kaya sa Karma, sa mga ginawa ng isa noon sa nakaraang buhay niya, kung kaya siya nagdurusa ngayon?

  • Kung may makapangyarihang Diyos, bakit hindi niya inilalayo sa panganib ang mabubuting tao?

  • Mawawala pa kaya ang kasamaan at pagdurusa?

Para masagot ang mga ito, kailangan nating malaman ang sagot sa dalawang tanong na ito: Bakit nangyayari ang masasamang bagay, at ano ang gagawin ng Diyos?

a Binago ang mga pangalan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share