Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w07 9/15 p. 3
  • Bakit Pinahihintulutan ng Diyos ang Kasamaan?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Pinahihintulutan ng Diyos ang Kasamaan?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa?
    Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan
  • Jeremias 11:11—“Ako’y Magdadala ng Kasamaan sa Kanila”
    Paliwanag sa mga Teksto sa Bibliya
  • Ang Mabuti Laban sa Masama—Isang Napakatagal Nang Labanan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Madaraig Bang Talaga ng Mabuti ang Masama?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
w07 9/15 p. 3

Bakit Pinahihintulutan ng Diyos ang Kasamaan?

KAHIT saan ka tumingin, laganap ang kasamaan at pagdurusa. Kapuwa ang mga sibilyan at sundalo ay namamatay sa mga digmaan. Laganap ang krimen at karahasan. Marahil ay naging biktima ka kamakailan ng pagtatangi o kawalang-katarungan. Dahil sa iyong mga nakikita at nararanasan, malamang na naitanong mo, ‘Bakit pinahihintulutan ng Diyos ang kasamaan?’

Hindi bago ang tanong na iyan. Mga 3,600 taon na ang nakalilipas, nagtanong ang tapat na lingkod ng Diyos na si Job: “Bakit nga ba patuloy na nabubuhay ang mga balakyot?” (Job 21:7) Palibhasa’y nababagabag sa kasamaan ng kaniyang mga kababayan, ang propetang si Jeremias na nabuhay noong ikapitong siglo B.C.E. ay nagtanong: “Bakit kaya ang lakad ng mga balakyot ang siyang nagtatagumpay, at silang lahat na gumagawa ng kataksilan ang siya pang hindi nababahala?” (Jeremias 12:1) Batid ni Job at ni Jeremias na matuwid ang Diyos. Gayunman, inisip nila kung bakit laganap ang kasamaan. Marahil ay naisip mo rin ito.

Isinisisi ng ilan sa Diyos ang kasamaan at pagdurusa. Ang iba naman ay nagtatanong: ‘Kung ang Diyos ay makapangyarihan-sa-lahat, makatarungan, at maibigin, bakit hindi pa niya winawakasan ang kasamaan at pagdurusa? Bakit niya hinayaang magpatuloy ang kasamaan hanggang sa ating panahon?’ Tatalakayin ito at ang iba pang mahahalagang tanong sa susunod na artikulo.

[Picture Credit Line sa pahina 3]

AP Photo/​Adam Butler

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share