Talaan ng mga Nilalaman
Enero 15, 2015
© 2015 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
EDISYON PARA SA PAG-AARAL
MARSO 2-8, 2015
Magpasalamat kay Jehova Para Pagpalain Ka
MARSO 9-15, 2015
Kung Bakit Natin Inaalaala ang Hapunan ng Panginoon
MARSO 16-22, 2015
Gawing Matibay at Maligaya ang Pag-aasawa
MARSO 23-29, 2015
Hayaang Patibayin at Ingatan ni Jehova ang Inyong Pagsasama
MARSO 30, 2015–ABRIL 5, 2015
ARALING ARTIKULO
▪ Magpasalamat kay Jehova Para Pagpalain Ka
Matututo tayong maging mapagpasalamat at mapananatili natin ito kung bubulay-bulayin natin ang ating mga pagpapala at pasasalamatan si Jehova. Kung mapagpasalamat tayo, makakayanan natin ang mga problema at maiiwasan nating maging walang utang na loob. Buong taon itong ipapaalala sa atin ng taunang teksto para sa 2015.
▪ Kung Bakit Natin Inaalaala ang Hapunan ng Panginoon
Nililinaw sa artikulong ito kung bakit dapat nating alalahanin ang kamatayan ni Jesus. Ipinaliliwanag nito kung ano ang inilalarawan ng tinapay at alak sa Memoryal at kung paano malalaman ng isa kung dapat ba siyang makibahagi sa mga emblema o hindi. Tutulungan din tayo ng artikulong ito kung paano tayo personal na makapaghahanda para sa Hapunan ng Panginoon.
▪ Gawing Matibay at Maligaya ang Pag-aasawa
▪ Hayaang Patibayin at Ingatan ni Jehova ang Inyong Pagsasama
Parami nang parami ang hamon at tuksong napapaharap sa mga mag-asawa. Pero sa tulong ni Jehova, posibleng maging matibay at maligaya ang pagsasama nila. Tatalakayin sa unang artikulo ang limang paraan para maging matibay at maligaya ang pagsasama ng mag-asawa. Susuriin naman sa ikalawang artikulo kung paano mapoprotektahan ng mag-asawa ang kanilang pagsasama.
▪ Wagas na Pag-ibig—Posible Ba?
Ano ang tunay na pag-ibig sa pagitan ng lalaki’t babae? Posible ba ang di-nagmamaliw na pag-ibig? Paano ito dapat ipahayag? Alamin kung ano ang itinuturo sa atin ng Awit ni Solomon tungkol sa wagas na pag-ibig.
SA ISYU RING ITO
3 Kusang-Loob Nilang Inihandog ang Kanilang Sarili—Sa New York
PABALAT: Gamit ang Bibliya habang nangangaral sa magandang lugar ng Grindelwald; makikita sa likuran ang Bernese Alps
SWITZERLAND
POPULASYON
7,876,000
MAMAMAHAYAG
18,646
DUMALO SA MEMORYAL (2013)
31,980