Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp16 Blg. 4 p. 8
  • Kung Bakit Nagtagumpay ang Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Bakit Nagtagumpay ang Bibliya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2016
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Bibliya​—Mensahe ng Diyos sa Atin
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Isang Kuwento na Mahalaga
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2016
  • Higit Pang Tulong Para sa Pamilya
    Gumising!—2018
  • Ano ang Bibliya Para sa Iyo?
    Ano ang Bibliya Para sa Iyo?
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2016
wp16 Blg. 4 p. 8
Lalaking nagbabasa ng Bibliya

TAMPOK NA PAKSA | ANG BIBLIYA—ISANG KUWENTO NG TAGUMPAY

Kung Bakit Nagtagumpay ang Bibliya

Nagtagumpay ang Bibliya. Kaya ngayon, may makukuha at mababasa kang kopya nito. At kapag isang magandang salin ng Kasulatan ang pinili mo, makatitiyak kang ang binabasa mo ay katulad na katulad ng nasa orihinal na mga akda.a Pero bakit napagtagumpayan ng Bibliya ang likas na pagkasira, matinding pagsalansang, at tangkang baguhin ang mensahe nito, na kadalasan ay sa kahanga-hangang paraan? Bakit napakaespesyal ng aklat na ito?

“Kumbinsido ako ngayon na ang taglay kong Bibliya ay isang regalo mula sa Diyos”

Maraming estudyante ng Bibliya ang nagkaroon ng konklusyong gaya ng isinulat ni apostol Pablo: “Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos.” (2 Timoteo 3:16) Naniniwala sila na ang Bibliya ay nagtagumpay dahil ito ang natatanging Salita ng Diyos at iniingatan ito ng Diyos hanggang sa ngayon. Si Faizal, na binanggit sa unang artikulo ng seryeng ito, ay nagpasiyang suriin ang mga sinasabi tungkol sa Bibliya sa pamamagitan ng pag-aaral ng Bibliya. Nagulat siya sa natuklasan niya. Nalaman niyang wala sa Bibliya ang maraming turo ng Sangkakristiyanuhan. Naantig din siya sa layunin ng Diyos sa lupa gaya ng sinasabi sa Bibliya.

“Kumbinsido ako ngayon na ang taglay kong Bibliya ay isang regalo mula sa Diyos,” ang sabi niya. “Kung nagawa ng Diyos ang uniberso, hindi ba’t kaya rin niyang bigyan tayo ng isang aklat at ingatan ito para sa atin? Kung hindi gayon, parang nililimitahan natin ang kapangyarihan ng Diyos. At sino naman ako para limitahan ang kapangyarihan ng Makapangyarihan-sa-lahat?”—Isaias 40:8.

a Tingnan ang artikulong “Paano Ka Makapipili ng Magandang Salin ng Bibliya?” sa Mayo 1, 2008, isyu ng magasing ito.

Paano Tayo Nakakasiguro na Totoo ang Sinasabi ng Bibliya?

Tinalakay sa serye ng mga artikulong ito kung paano naingatan ang Bibliya. Pero paano ka nakatitiyak na ang Bibliya ay talagang “salita ng Diyos” at hindi isang koleksiyon lang ng mga alamat at kathang-isip? (1 Tesalonica 2:13) Panoorin ang video na Paano Tayo Nakakasiguro na Totoo ang Sinasabi ng Bibliya? sa www.jw.org/tl. (Tingnan sa PUBLIKASYON > VIDEO)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share