Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp16 Blg. 5 p. 3
  • Kailangan Nating Lahat ng Tulong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kailangan Nating Lahat ng Tulong
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2016
  • Kaparehong Materyal
  • Tulong sa Mahihirap na Panahon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2016
  • Magbigay ng Kaaliwan sa mga Namimighati
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Tulong Para sa mga Biktima ng Pang-aabuso
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2019
  • Kaginhawahan Mula sa “Diyos ng Buong Kaaliwan”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2016
wp16 Blg. 5 p. 3

TAMPOK NA PAKSA | SAAN KA MAKAKAKUHA NG TULONG?

Kailangan Nating Lahat ng Tulong

Ginagamot ng isang ina ang kaniyang munting anak

Naaalaala mo ba nang mahulog ka noong bata ka pa? Marahil nasugatan ang kamay mo o nagasgas ang tuhod mo. Natatandaan mo ba kung paano ka tinulungan ng nanay mo? Baka ginamot niya ang sugat mo at nilagyan ng benda. Umiyak ka, pero dahil sa kaniyang malambing na salita at mainit na yakap, gumaan ang pakiramdam mo. Nang sandaling iyon, dumating agad ang tulong.

Pero habang nagkakaedad tayo, nagiging mas komplikado ang buhay. Lumalaki ang mga problema, at mas mahirap makakuha ng tulong. Nakalulungkot, ang mga problemang iyan ay hindi malulutas ng benda at yakap ng ina. Pansinin ang ilang halimbawa.

  • Na-trauma ka ba nang masesante ka sa trabaho? Sinabi ni Julian na nang masesante siya, nabigla siya at nabalisa. ‘Paano ko mapapakain ang pamilya ko?’ naisip niya. ‘Pagkatapos kong magtrabaho nang husto sa loob ng maraming taon, bakit inisip ng kompanya na wala na akong silbi?’

  • Para bang gumuho ang mundo mo nang maghiwalay kayong mag-asawa? “Nang bigla akong iwan ng mister ko 18 buwan na ang nakararaan, napakalungkot ko. Parang nadurog ang puso ko,” ang sabi ni Raquel. “Apektado hindi lang ang kalooban ko kundi pati buong katawan ko. Takót na takót ako.”

  • Baka may malubha kang sakit na parang hindi gumagaling. Maaaring nadama mo rin minsan ang nadama ng patriyarkang si Job, na nagsabi: “Ako’y hirap na hirap na, ayaw ko nang mabuhay.” (Job 7:16, Magandang Balita Biblia) Malamang na pareho kayo ng nadarama ng 80-anyos na si Luis, na nagsabi, “Kung minsan, hinihintay ko na lang na mamatay ako.”

  • O baka kailangan mo ng karamay dahil sa pagkamatay ng isang mahal sa buhay. “Nang mamatay ang anak kong lalaki dahil bumagsak ang eroplanong sinasakyan niya, hindi ako makapaniwala,” ang sabi ni Robert. “Saka ko naramdaman ang kirot na inihahambing ng Bibliya sa isang mahabang tabak na tumatagos sa iyo.”—Lucas 2:35.

Nakakuha ng tulong sina Robert, Luis, Raquel, at Julian kahit sa napakahirap na mga sitwasyong iyon. Nasumpungan nila ang tanging Persona na makapagbibigay nito—walang iba kundi ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat. Paano siya tumutulong? Tutulungan ka rin ba niya?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share