Mga Paalaala sa Pandistritong Kumbensiyon
TULUYAN: Kami ay nagpapadala ng suplay ng Room Request forms para sa bawa’t kongregasyon. Ang mga nangangailangan ng tuluyan ay kailangang punan ang isa sa mga pormang ito at ibigay sa convention coordinator ng inyong kongregasyon. Kaniyang susuriin ito at pipirmahan, at pagkatapos ay ipadadala ito sa Watch Tower Convention sa isa sa mga direksiyon sa ibaba. Pansinin: Ang mga dadalo sa Maynila mula sa malalayong lugar na hindi inatasan dito ay kailangang magsaayos ng kanilang sariling tuluyan at hindi dapat na magpadala ng Room Request forms sa Maynila.
Disyembre 19-22, 1985:
Manila: P.O. Box 2044, Manila.
Quezon City: P.O. Box 2044, Manila.
Marikina: P.O. Box 2044, Manila.
Disyembre 26-29, 1985:
Ilagan, Isabela: Kingdom Hall, Baculod, Hagan, Isabela.
Binalonan, Pangasinan: c/o Gaspar Bagusto, Sr., 37 Canarvacanan, Binalonan, Pangasinan.
Vigan, Ilocos Sur: Kingdom Hall, 54 Quirino Blvd., Vigan, Ilocos Sur.
Masbate, Masbate: Kingdom Hall, 56-B Tara Street, Masbate, Masbate.
Iloilo City: c/o Rufino Valencia, Jr., 65 Escarilla Subdivision, Mandurriao, Iloilo City.
Tagbilaran City: Kingdom Hall, 55 Airport Road, Tagbilaran City.
Ormoc City: c/o Kingdom Hall, Hermosilla Drive, Zone 3, Ormoc City.
Davao City: Kingdom Hall, Corner Lopez Jaena & F. Torres Streets, Davao City.
Dipolog City: c/o Francisco Cabalida, 097-E Magsaysay Street, Dipolog City.
Enero 2-5, 1986:
Tuguegarao, Cagayan: c/o New Variety Store, 17 A. Bonifacio Street, Tuguegarao, Cagayan.
Paniqui, Tarlac: c/o Catalino Melegrito, 15 Samput, Paniqui, Tarlac.
Mangaldan, Pangasinan: c/o Renato Pasiliao, 114 Salay, Mangaldan, Pangasinan.
Baguio City: c/o Macario Parrocha, 278 Magsaysay Avenue, Baguio City.
Iriga City: 38 Waling-waling Street, San Miguel, Iriga City.
Puerto Princesa City:* c/o Barn’s Studio, Malvar Street, Puerto Princesa City.
Bacolod City: Kingdom Hall, 68 Mabini Street, Bacolod City.
Cebu City: c/o Inocentes T. Benaro, 148 F. Llamas Street, Tisa, Cebu City.
Calbayog City: Kingdom Hall, 661 Gomez Street, Calbayog City.
General Santos City: Kingdom Hall, 8 Siniguelas Street, General Santos City.
Cagayan de Oro City: Kingdom Hall, 20 Everlasting Street, Carmen, Cagayan de Oro City.
* Pakisuyong pansinin ang pagbabago ng petsa ng kumbensiyong ito.
BAUTISMO: Ang pahayag para sa mga kandidato sa bautismo ay sa Sabado ng umaga. Yaong mga nagpaplano na sagisagan ang kanilang pag-aalay sa pamamagitan ng bautismo sa tubig ay dapat na magrepaso sa mga katanungan kasama ng mga matatanda sa kanilang kongregasyon bago ang kumbensiyon. Ang mahinhing pambasa at isang tuwalya ay dapat na dalhin ng bawa’t isa na naghahandang magpabautismo.
ORAS NG PROGRAMA: Landasin ng katalinuhan at pagpapakita ng pagpapahalaga na nasa inyong upuan na sa pagpapasimula ng programa. Ito ay sa ala 1:30 n.h. sa Huwebes, alas 8:50 n.u. sa Biyernes, at alas 9:00 n.u. sa Sabado at Linggo. Ang gayunding katangian ay naipamamalas kapag hindi tayo nagbabalak na umalis bago matapos ang sesyon. Ang pansarang awit at panalangin ay sa alas 5:10 n.h. ng Huwebes. Ang Biyernes ng hapon ay ilalaan para sa isang pantanging pagsisikap sa paglilingkod sa larangan, pagkatapos ng pansarang awit at panalangin sa alas 3:00 n.h. Sa Sabado ang pansarang awit at panalangin ay sa alas 5:00 n.h. at sa Linggo ay sa alas 4:00 n.h.
PIONEER IDENTIFICATION: Ang lahat ng mga regular at espesyal payunir at ang mga naglalakbay na tagapangasiwa ay dapat na magdala ng kanilang Identification and Assignment card (S-202) sa kumbensiyon. Ang mga nasa talaan mula Hulyo 1, 1985 o bago pa ng petsang ito ay tatanggap ng ₱45.00 na halaga ng tiket sa kumbensiyon kapag iniharap nila ang kanilang ID card sa kumbensiyon lamang na yaon. Pag-ingatan ninyo ang card gaya ng pera. Hindi ito papalitan sa kumbensiyon. Anumang regalong babasahing ilalabas o iba pang literature sa halaga ng payunir ay makukuha ng mga payunir sa bookroom kapag ipinakita nila ang kanilang ID card.
LAPEL CARDS: Ang mga cards na ito ay inilaan upang mailathala ang kumbensiyon at madaling makilala ang ating mga kapatid na lalaki at babae na dumadalo. Dahilan dito, pakisuyong isuot ang pantanging idinisenyong lapel card sa kumbensiyon at habang naglalakbay mula at patungong lugar ng kumbensiyon. Hindi lamang isang mainam na paraan ng pagpapakilala ang card kundi ito kadalasan ay nakapagbibigay ng mainam na patotoo habang naglalakbay. Dapat ninyong kunin ito sa pamamagitan ng inyong kongregasyon yamang ang mga ito ay hindi makukuha sa mga kumbensiyon. Ang lapel cards ay 15¢ ang isa at ang lalagyang celluloid ay ₱l.00 ang isa. (Pansinin ng kalihim: Ang mga lapel cards ay dapat na pinidido sa Special Order Blank for Forms. Kung hindi ito nagawa, magpadala ng regular na S-14 para sa pidido nito ngayon.)
ISANG BABALA: Saan man kayo dadalo, ingatan ninyo ang inyong mga kagamitan sa lahat ng panahon. Kung mayroon kayong sasakyan, tiyaking nakakandado at huwag ninyong iwanan ang anumang bagay na mahalaga sa isang nakaparadang sasakyan. Gayundin, mag-ingat sa mga magnanakaw at mandurukot na naaakit ng malalaking pagtitipon. Sinasaklaw nito ang hindi pag-iiwan ng anumang bagay na mahalaga nang walang tumitingin sa mga upuan sa kumbensiyon.