1985 Pandistritong mga Kombensiyon
SA TAUN-TAON para sa mga Saksi ni Jehova ang kanilang mga paniwala at mga aktibidades ay nagsisilbing tema para sa kanilang taunang kombensiyong pandistrito. Kabilang dito ang “Mapanagumpay na Pananampalataya,” “Masasayang Manggagawa,” “Banal na Pag-ibig,” “Katapatan sa Kaharian,” at “Pagkakaisa sa Kaharian.” Ang tema na pinili para sa 1985 na pandistritong kombensiyon ay pinanganlang Kombensiyon ng mga “Nag-iingat ng Katapatan.”
Anong pagkahala-halaga nga ang ingatan ang katapatan! Ito’y napakahalaga kung kaya’t tinanggap ni Jehova ang hamon ng Diyablo tungkol sa suliraning ito yamang lubusang nagtitiwala si Jehova na sa mga nilikha dito sa lupa ay mayroong mananatiling tapat, at patutunayang si Jehovang Diyos ay totoo at ang Diyablo ay sinungaling.
Subalit ang pananatiling tapat ay hindi madali, hindi isang bagay na payak. Hindi ito pagsunod sa pinakamadaling paraan o sa natural na paraan. Ginagawa ni Satanas na Diyablo ang lahat ng kaniyang magagawa upang ang mga lingkod ni Jehova ay huwag manatiling tapat. At hindi lamang si Satanas at ang kaniyang mga demonyo ang sumasalungat sa ating pagsisikap na makapanatiling tapat kundi kailangan din namang labanan natin ang balakyot na sanlibutan niya na nagdadala ng lahat ng uri ng tukso at kagipitan. At nariyan din ang ating minanang di-kasakdalan.
Upang makapanatiling tapat at madaig natin ang tatlong kaaway na ito, kailangan natin ang tulong. Ang Kombensiyon ng mga “Nag-iingat ng Katapatan” ay nilayon na makatulong sa lahat ng kinauukulan upang sila’y makapanatiling tapat sa Diyos na Jehova at mapatunayang sinungaling ang Diyablo. Tulad noong mga nakaraang taon ang kombensiyon, sa karamihan ng bansa, ay magsisimula sa Huwebes ng hapon at tatagal nang apat na araw. Magplano na kayo ngayon na daluhan ang lahat ng apat na araw, at kayo’y dumalo na handang makinabang na lubusan sa palatuntunan at makibahagi sa mga iba pang aktibidades ng kombensiyon.
1985 mga Lugar ng Kombensiyon ng mga “Nag-iingat ng Katapatan”
Disyembre 19-22, 1985:
Manila Quezon City, Metro Manila Marikina, Metro Manila
Disyembre 26-29, 1985:
Ilagan, Isabela Binalonan, Pangasinan
Vigan, Ilocos Sur Masbate, Masbate
Puerto Princesa City Iloilo City
Tagbilaran City Ormoc City
Davao City Pagadian City
Enero 2-5, 1986:
Tuguegarao, Cagayan Paniqui, Tarlac
Mangaldan, Pangasinan Baguio City
Iriga City Bacolod City
Cebu City Calbayog City
General Santos City Cagayan de Oro City