Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG HULYO 7-13
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
20 min: “Mga Kabataan, Purihin ang Pangalan ni Jehova.” Tanong-sagot na pagtalakay. Hayaang itanghal ng isang kabataan kasama ng kaniyang magulang ang iminungkahing presentasyon sa parapo 6. Kapanayamin ang dalawa o tatlong kabataan na mabubuting halimbawa. Itanong sa kanila kung papaano nila pinupuri ang pangalan ni Jehova ngayon at sinasangkapan ang kanilang sarili na magpatuloy sa pagsasagawa niyaon sa hinaharap.
15 min: Tulungan ang mga Baguhan at di Aktibo. Nirepaso ng kalilum sa kongregasyon ang kahalagahan ng pagtulong sa mga baguhan na dumalo sa Memoryal at ang pagtulong sa mga di aktibo. Papaano tumutulong ang mga matatanda sa mga nangangailangan ng pampatibay-loob? Ano ang magagawa ng kongregasyon upang makatulong? Itampok ang pangangailangan na makipagtulungan ang lahat sa pagpapatibay sa mga di aktibo at pagpapalakas sa mga baguhan. (Heb. 6:1-3) Ipakita kung papaanong ang tulong ay maibibigay sa pamamagitan ng Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat.
Awit 113 at panalangin.
LINGGO NG HULYO 14-20
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Balangkasin ang mga kaayusan sa loob ng sanlinggo.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Paggamit ng Maliit na Aklat na Mabuhay Magpakailanman.” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo. Bagaman ang maliit na edisyon ay maaaring wala pa sa panahong ito, magpasigla hinggil dito at tiyaking pumidido ng suplay ang kongregasyon. Kung ipinahihintulot ng panahon, magkaroon ng isang pagtatanghal sa pag-aalok ng aklat na Mabuhay Magpakailanman.
15 min: Pagtatamo ng Sinang-ayunang Kaugnayan sa Diyos. Pahayag salig sa mga artikulong “What Is Most Important in Your Life?” at “Happiness Through a Precious Relationship,” pasimula sa pahina 3 ng Abril 1, 1985 na Watchtower. Idiin ang pangangailangan na gawing payak ang ating pamumuhay at magkaroon ng isang mabuting eskedyul na magpapangyari para sa mga karagdagang pribilehiyo gaya ng paglilingkurang auxiliary at regular payunir.
Awit 172 at panalangin.
LINGGO NG HULYO 21-27
15 min: Lokal na mga patalastas at “Bagong Kaayusan sa Pang-araw-araw na Teksto at Yearbook.” Talakayin ang mga pangunahing punto sa artikulo at ipaliwanag kung papaano maka-pipidido ang mga mamamahayag ng mga kopyang kailangan nila. 20 min: “Pagtuturo Kapag Nakakasumpong ng mga Pagtutol.” Tanong-sagot na pagkubre sa artikulo. Kapag isinasaalang-alang ang mga parapo 4 hanggang 6, magkaroon ng dalawang maikling pagtatanghal na nagpapakita kung papaano haharapin ang mga lokal na pagtutol. Ipagunita sa lahat na makibahagi sa gawain sa magasin sa ikaapat na Sabado ng buwan.
10 min: Pahayag sa “The Bible—A Book to Be Read,” mula sa Enero 15, 1985 na Watchtower (Hulyo 15, 1985 sa Tagalog).
Awit 209 at panalangin.
LINGGO NG HUL. 28—AGOS. 3
10 min: Lokal na mga patalastas. Idiin ang pagpapatotoo sa Linggo, Agosto 4.
20 min: “Patuloy na Magpatibayan sa Isa’t Isa.” Tanong-sagot. Gumawa ng lokal na pagkakapit ng materyal.
15 min: Isang may kakayahang kapatid ang magrepaso sa alok na aklat na Mga Kuwento sa Bibliya sa Agosto at magsaayos ng dalawang maikling pagtatanghal na nagpapakita kung papaano mabisang magagamit ito sa ministeryo.
Awit 144 at panalangin.
LINGGO NG AGOSTO 4-10
5 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: Pahayag sa artikulong “How Can I Stop Watching So Much TV?” sa Awake! ng Pebrero 22, 1985 (Hulyo 22, 1985 sa Tagalog). Ipakita kung papaanong ang pagpapahalaga sa espirituwal na mga bagay ay makatutulong sa atin na gamitin ang ating panahon sa matalinong paraan at hindi gamitin ang malaking panahon sa paglilibang.
25 min: Pagtalakay sa tagapakinig ng mga punto sa Kabanata 9 ng aklat na Organisado Upang Ganapin ang Ating Ministeryo, “Mga Paraan ng Pagpapalawak sa Inyong Ministeryo.” Hindi kailangang talakayin ang bawa’t parapo, subali’t ipakita kung papaanong tayong lahat ay maaaring maging taimtim sa pagpapalawak ng ating bahagi sa ministeryo, maging mga mamamahayag o mga payunir. Talakayin lalo na ang sub-titulong “Ano ba ang Inyong Espirituwal na mga Tunguhin para sa Hinaharap?” sa pahina 116-118. Kapanayamin ang ilan na ngayon ay mga regular payunir, na tinatanong sila kung bakit at papaano sila nakagawa ng pagpapasiyang magpayunir.
Awit 15 at panalangin.