Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG AGOSTO 11-17
12 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Gayundin ang ulat ng kuwenta.
13 min: Tatalakayin ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang ulat sa buong bansa para sa Abril gaya ng ibinigay sa pahina 1 ng Ating Ministeryo sa Kaharian. Ilakip ang mga tampok na bahagi sa ulat ng lokal na kongregasyon sa Abril, na pinapupurihan ang mga kapatid sa kanilang bahagi sa pantanging gawain.
20 min: “Sabihin sa Araw-Araw ang Mabuting Balita ng Kaligtasan.” Tanong-sagot. Maikling pagtatanghal sa isang bahagi ng pagsasanay ng pamilya na ang isang miyembro ng pamilya ay nagbibigay ng payak na presentasyon mula sa parapo 5 sa iba pang miyembro ng pamilya. Ipakita kung papaanong ang Paksang Mapag-uusapan ay maaaring iangkop sa alok na aklat ng mga Kuwento sa Bibliya.
Awit 129 at panalangin.
LINGGO NG AGOSTO 18-24
10 min: Lokal na mga patalastas. Ilakip ang pampatibay na makibahagi sa gawain sa magasin sa dumarating na Sabado.
20 min: Magturo sa Pamamagitan ng Magasin. Pagtalakay sa tagapakinig at mga pagtatanghal. Papaano natin gagamitin ang sining ng pagtuturo sa paghaharap ng mga magasin? Idiin ang mga pangunahing bagay sa mabuting pagtuturo: Pagtitiwala kay Jehova. (2 min.) Tandaan na ang ating pabalita ay mula kay Jehova; itanghal ang kapakanan ng Diyos hindi ang ating sarili. Akayin ang pansin sa Bibliya at sa pabalita nito hinggil sa mabuting balita ng Kaharian; ito ay mahalaga sa pag-abot sa puso. Paghahanda. (2 min.) Makapagtuturo tayo niyaong atin lamang nalalaman. Kayo ba ay nagbabasa ng mga magasin? Tayong lahat ay nangangailangang gumawa nito. Habang binabasa ninyo ang mga ito pansinin ang mga punto na maaaring pumukaw ng interes ng mga taong inyong natatagpuan. Anong mga artikulo ang lilikha ng interes ng isang lalaki, isang babae, isang bata, o isang propesyonal na tao? Sikaping iharap ang mga puntong ito sa inyong sariling pananalita. Mga Tanong. (2 min.) Ang mabuting pagkakabalangkas na mga tanong ay maaaring maging napakabisa sa pagkuha ng interes ng mga tao at pag-akay ng pansin sa artikulo na nais ninyong itampok sa inyong presentasyon. Mga Ilustrasyon. (2 min.) Si Jesus ay nagturo sa pamamagitan ng mga ilustrasyon. (Mat. 13:34, 35) Ang mga magasin ay naglalaman ng aktuwal na mga larawan na nagpapakita sa mga pangunahing punto o leksiyong tinatalakay. Ang pagtatawag-pansin sa mga larawang ito ay sumasaklaw kapuwa sa pakikinig at pagtingin, na nagpapalaki sa bisa ng inyong pagtuturo. Pag-uulit. (2 min.) Ang palagiang pagbabalik taglay ang pinakahuling isyu ay maaaring unti-unting tumulong sa maybahay na matuto nang higit pa tungkol sa pag-asa hinggil sa Kaharian. Ito rin naman ay tutulong sa inyo na magkaroon ng mabuting kaugnayan sa maybahay na aakay sa isang pag-aaral sa Bibliya. (sg pp. 49-54)
(9 min.) Dalawang pagtatanghal. Ang may karanasang mga mamamahayag ay magtatanghal ng 30- hanggang 60-segundong presentasyon ng kasalukuyang mga magasin. Sa unang pagtatanghal, itampok Ang Bantayan at sa ikalawang pagtatanghal, itampok ang Gumising! Pagkatapos ng bawa’t presentasyon, humiling sa tagapakinig ng komento kung papaano ginamit ang mga paraan sa pagtuturo gaya ng tinalakay na.
(1 min.) Pasisiglahin ng tsirman ang lahat na ikapit ang mga puntong tinalakay. Upang makagawa nang pinakamabuti, tayong lahat ay dapat na patuloy na magpasulong sa ating kakayahang magturo taglay ang mga magasin.
15 min: “Patuloy na Magtulungan sa Isa’t Isa.” Tanong-sagot.
Awit 216 at panalangin.
LINGGO NG AGOSTO 25-31
8 min: Lokal na mga patalastas. Himukin ang lahat na makibahagi sa Linggo, Setyembre 1 sa gawain sa larangan.
15 min: Pahayag sa “Does Greed Sometimes Grip You?” mula sa Watchtower ng Pebrero 15, 1985 (Agosto 15, 1985 sa Tagalog).
15 min: “Makapagpapayunir ba Kayo sa Oktubre at Nobyembre?” Tanong-sagot. Basahin ang mga susing parapo.
7 min: Pag-aalok ng mga magasin sa dulong-sanlinggong ito. Akayin ang pansin sa mga artikulo ng kasalukuyang labas ng Ang Bantayan at Gumising! na makatatawag-pansin sa iba’t ibang mga tao sa teritoryo ng kongregasyon. Itanghal ang 30- hanggang 60-segundong presentasyon ng mga kasalukuyang magasin, na itinatampok ang angkop na artikulo.
Awit 12 at panalangin.
LINGGO NG SETYEMBRE 1-7
5 min: Lokal na mga patalastas.
25 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Lahat ng mga Tao.” Tanong-sagot. Maikling pagtatanghal kung papaanong lumalapit ang mamamahayag sa isang tao na nagmamasid sa mga Saksi na nagbabahay-bahay. Habang ipinahihintulot ng panahon, humiling ng komento sa mga mamamahayag hinggil sa kanilang pagsisikap na abutin ang lahat ng mga tao taglay ang mabuting balita.
15 min: Paghaharap ng aklat na Kaligayahan o Buhay Pampamilya sa Setyembre. Magbigay ng mungkahi hinggil sa mga angkop na puntong mapag-uusapan sa mga aklat, pagkatapos ay itanghal ng mamamahayag ang Paksang Mapag-uusapan na itinatampok ang Kabanata 5 ng aklat na Kaligayahan.
Awit 220 at panalangin.