Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/85 p. 2
  • Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
  • Subtitulo
  • LINGGO NG DISYEMBRE 8-14
  • LINGGO NG DISYEMBRE 15-21
  • LINGGO NG DISYEMBRE 22-28
  • LINGGO NG DIS. 29—ENE. 4
  • LINGGO NG ENERO 5-11
Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
km 12/85 p. 2

Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad

LINGGO NG DISYEMBRE 8-14

Awit 8

10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Magpasigla ukol sa gawain sa magasin sa Sabado at himukin ang lahat na gumawa ng pantanging pagsisikap na makibahagi kaagad nang lubusan sa paglilingkod sa pagpapasimula ng Disyembre.

18 min: “Ano ang Kahulugan sa Inyo ng Bibliya?” Pahayag ng isang matanda. Sa parapo 5, talakayin sa tagapakinig ang mga bahagi ng New World Translation na nagpapangyaring ito ay makahigit sa iba pang salin. Pagkatapos ay magkaroon ng maikling pagtatanghal sa paghaharap ng Bibliya at aklat na nakabalangkas sa parapo 6.

17 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang Kusa at Handang Espiritu.” Tanong-sagot. Magkaroon ng ilang maikling pagtatanghal na sinasaklaw ang mga punto sa parapo 3 hanggang 5 upang ipakita kung papaanong ang impormal na pagpapatotoo ay maaaring mapasimulan sa iba’t ibang kalagayan.

Awit 19 at panalangin.

LINGGO NG DISYEMBRE 15-21

(Walang pulong na naka-eskedyul dahilan sa pandistritong kumbensiyon. Kung ang inyong kumbensiyon ay sa susunod na linggo, kung gayon maaari ninyong gamitin sa pagkakataong ito ang naka-eskedyul na pulong sa paglilingkod para sa linggong iyon.)

LINGGO NG DISYEMBRE 22-28

Awit 156

10 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita. Magpasigla para sa gawain sa magasin sa Disyembre 25 at gayundin sa Sabado, ika-28.

20 min: “Pasulungin ang mga Kapakanan ng Kaharian sa Pamamagitan ng Espiritu ng Pagsasakripisyo-sa-Sarili.” Tatlong minutong pambungad ng tsirman na sinasaklaw ang materyal sa unang parapo. Idiin ang pangangailangan na maging naiiba mula sa kasalukuyang malasariling henerasyon. Ito’y humihiling ng pagsasakripisyo-sa-sarili. Saklawin ang mga parapo 2 hanggang 5 sa pamamagitan ng pakikibahagi ng tagapakinig. Sarhan ng tatlong minutong nakapagpapasiglang pahayag ng tsirman, lakip ang mga punto sa parapo 6.

15 min: Pasulungin ang Espirituwalidad sa Pamamagitan ng Pagsasakripisyo-sa-Sarili. Tatalakayin ng tsirman ang sumusunod na mga punto. Abala ang buhay ng mga Kristiyano. Ang paghahanap-buhay, pagkuha ng kailangang edukasyon, at ang ating pang-araw-araw na gawain sa buhay ay kumukuha ng malaki sa ating panahon. Karagdagan pa, mayroon tayong kumpletong programa para sa espirituwal na gawain na kailangang unahin natin. (Mat. 6:33) Papaano ba magagampanan ng mga pamilya ang eskedyul para sa linggu-linggong pagbabasa ng Bibliya, paghahanda para sa mga pulong, paglilingkod sa larangan, at personal na pag-aaral? Kapanayamin ang isang pamilya na mahusay sa bagay na ito. Anong sakripisyo ang kanilang ginawa upang magkaroon ng panahon sa higit na mahahalagang mga bagay? Ang panonood ba ng TV ay inalis na o binawasan? Ano ang kanilang eskedyul para sa iba’t ibang gawaing teokratiko? Magtapos sa pamamagitan ng pagpapasigla sa lahat na suriin kung papaano nila ginagamit ang kanilang panahon.

Awit 12 at panalangin.

LINGGO NG DIS. 29—ENE. 4

Awit 65

12 min: Lokal na mga patalastas. Ipagunita sa lahat na tangkilikin ang pagpapatotoo sa unang Linggo, Enero 5 at gayundin ang pantanging gawain sa magasin sa Enero 1.

18 min: “Pagpapamalas ng Espirituwal na Paglaki sa Pamamagitan ng Pakikibahagi sa mga Pulong.” Ang konduktor sa pag-aaral ng Bantayan ay magbibigay ng limang minutong pahayag sa unang apat na parapo ng artikulo. Anyayahan sa plataporma ang dalawang konduktor sa pag-aaral upang talakayin kasama niya ang natitirang impormasyon sa artikulo. Ang pagtalakay ay dapat na tumulong sa mga tagapakinig na makita ang pangangailangan na gumawa ng pangmadlang kapahayagan ng kanilang pananampalataya. Nais nating maging “tagatupad ng salita at hindi tagapakinig lamang.”—Sant. 1:22.

15 min: Paghahanda ng Pamilya para sa Pag-aaral ng Bantayan. Pagtatanghal. Isang pamilya na nasa plataporma ang naghahanda para sa susunod na Pag-aaral ng Bantayan sa Linggo. Pagkatapos na mabasa ang isang parapo at mapag-usapan, ipinakita ng ama ang bentaha ng pagsasalungguhit ng ilan lamang susing mga salita sa halip na buong pangungusap. Kunin ang pinakasaligang diwa o sagot mula sa sinalungguhitang mga salita, unawain ito, at ipahayag sa sariling mga salita. Hinilingan sila ng ama na sumagot sa sariling salita. Pinapurihan. Pagkatapos, tinulungan sila ng ama kung papaano gagawa ng karagdagang komento kapag ang unang sagot ay naibigay na. Maaaring gumamit ng kasulatan, bumanggit ng isang alalay na punto o isang halimbawa. Tinanong sila ng ama kung ano ang personal nilang nadarama tungkol sa pinag-aaralang materyal. Sinasang-ayunan ba nila ito, pinaniniwalaan ito, nakikita ang kahalagahan nito? Inatasan ng ama ang isang nakababatang miyembro ng pamilya na gumawa ng pagsasaliksik sa ilang punto sa leksiyon.

Awit 203 at panalangin.

LINGGO NG ENERO 5-11

Awit 121

5 min: Lokal na mga patalastas.

10 min: Alok na suskripsiyon sa Enero. Itampok ang mga litaw na punto mula sa magasin ng Enero 1 at 8 na maaaring gamitin sa paglilingkod sa larangan at magbigay ng mungkahi hinggil sa angkop na mga presentasyon.

30 min: Repasuhin ang Programa ng Pandistritong Kumbensiyon. Ang mga kapatid na patiunang inatasan upang magkomento sa mga bahagi ng programa ay maaaring tawagin upang palitawin ang mahahalagang puntong natutuhan na maikakapit sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. (Pansinin: Ang repasong ito ay dapat na isagawa sa linggo pagkatapos ng inyong kumbensiyon. Kailangang isaayos ang lokal na mga pulong upang maisagawa ito.)

Awit 193 at panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share