Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/86 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
km 1/86 p. 3

Mga Patalastas

● Alok na literatura sa Enero at Pebrero: Isang taong suskripsiyon ng Ang Bantayan sa ₱50.00. (Anim na buwang suskripsiyon at buwanang edisyon sa ₱25.00.) Marso at Abril: Alinman sa regular-na-laki o maliit na edisyon na aklat na Mabuhay Magpakailanman. (Gayumpaman, yaong mga nagtataglay ng mga aklat na newsprint sa kanilang wika ay dapat na ialok ito sa ₱2.50 ang bawa’t isa.)

● Kasama ng buwanang statement para sa Disyembre kami ay nagpadala ng dalawang kopya ng Literature Inventory form sa bawa’t kongregasyon. Ang aktuwal na pagbilang ng literatura ay dapat na isagawa sa Marso 1 at ang orihinal na pormang ito ay ibalik sa amin sa Marso 6. Ito ay may kaugnayan sa pagtaas ng halaga ng literatura sa Marso 1, 1986.

● Isang walang bayad na kopya ng “Examining the Scriptures Daily—1986” ang maaaring ibigay sa bawa’t regular at espesyal payunir na nasa talaan noong Hulyo 1, 1985 o bago pa ang petsang ito. Pakisuyong tiyaking humiling ng credit para sa mga ibinigay nang libre sa mga payunir, at sa mga kinuha ng payunir para sa kanilang mga tinuturuan sa Bibliya sa halagang ₱2.40. Pakisuyong ihiwalay ang walang bayad na mga kopya doon sa kinuha sa halaga ng payunir sa S-20 form.

● Upang ang ating eskedyul ng pag-aaral sa Bantayan ay makasabay ng eskedyul sa Ingles, sa Linggo, Enero 26, ang lahat ng kongregasyong gumagamit ng Cebuano, Hiligaynon, Iloko at Tagalog ay dapat na kumpletuhin ang dalawang pinag-aaralang artikulo sa Disyembre 15, 1985 ng Bantayan sa kanilang pag-aaral ng Bantayan. Upang magawa ito, walang parapong babasahin sa linggong iyon.

● Pasimula sa Marso 22, 1986 na isyu ng Gumising! sa Cebuano, Iloko at Tagalog at sa isyu ng Hiligaynon ng Abril 8, 1986, gagawin nating serye ang mga pinag-aaralang artikulo sa Bantayan na hindi natin nakuha dahilan sa pagpapasimula ng sabay-sabay na paglalathala. Tiyaking ang inyong kongregasyon ay may sapat na suplay ng Gumising! upang magamit ng mga kapatid, yamang pag-aaralan natin ang mga artikulong ito sa pag-aaral ng kongregasyon sa aklat pasimula sa Abril.

● Ang Memoryal ay ipagdiriwang sa Lunes, Marso 24, paglubog ng araw. Ang paanyaya sa Memoryal ay hindi na kailangang pididuhin, yamang ang mga ito ay ipadadala sa bawa’t kongregasyon. Ang halaga ng mga ito ay lilitaw sa inyong account statement sa takdang panahon.

● Pakisuyong pumidido ng mga pantanging magasin para sa Abril sa katapusan ng Enero hangga’t maaari. Pahahalagahan namin kung maagang maisasaalang-alang ng lahat ng kongregasyon ang kanilang pangangailangan sa magasin para sa pantanging buwan ng Abril, na iniingatan sa isipan na maraming auxiliary payunir ang makikibahagi sa buwang iyon.

● Mayroon na Naman:

A Secure Future—How You Gan Find It—Ingles

True Peace and Security—From What Source?—Ingles

Aid to Bible Understanding—Ingles

Bible Topics for Discussion—Ingles

“Ang Mabuting Balitang Ito ng Kaharian”—Tagalog

“Narito! Ginagawa Kong Bago ang Lahat ng Bagay”—Tagalog

● Makukuhang mga Bagong Publikasyon:

Survival Into a New Earth—Intsik

Maliit na edisyon, aklat na Mabuhay Magpakailanman—Cebuano

Brochure na Divine Name—Iloko

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share