Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG ENERO 12-18
10 min: Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian at lokal na mga patalastas.
20 min: “Paglalathala ng Kaligtasan sa Pamamagitan ng Pambihirang mga Magasin.” Tanong-sagot. Sa parapo 4, ipakita kung papaanong ang artikulo sa Enero 1 ng Watchtower ay maiuugnay sa “Ang Layunin ng Ang Bantayan” sa pahina 2. Itanghal kung papaano gagamitin ito sa pag-aalok ng suskripsiyon.
15 min: “Ang Ating mga Tunguhin sa Abril.” Tatalakayin ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang artikulo sa kongregasyon, na nagbibigay ng lokal na tunguhin ng kongregasyon sa Abril at hinihimok ang lahat na gumawa ng pantanging pagsisikap sa ministeryo sa larangan sa tag-araw na ito.
Awit 66 at panalangin.
LINGGO NG ENERO 19-25
8 min: Lokal na mga patalastas at ulat ng kuwenta. Himukin ang lahat na makibahagi sa gawain sa magasin sa Sabadong ito.
20 min: “Ihayag ang Ating Pagsulong.” Tanong-sagot. Pagkatapos ng parapo 4, kapanayamin ang isang mamamahayag na nakagawa ng mabuting pagsulong sa espirituwal.
17 min: “Peaceable People Are Truly Needed!” salig sa Hulyo 1, 1985 na Watchtower. Itatanghal ng matanda kung papaano niya tatalakayin ang pangangailangang maging mapayapa sa isang baguhang mamamahayag na may hilig na maging masyadong agresibo at magpakita ng paboritismo sa mga inaakala niyang mga importante. Idiin ang pagpapalit sa karunungan ng tao ng maka-diyos na karunungan at ang pangangailangan na maging isang mapayapang ebanghelisador.
Awit 191 at panalangin.
LINGGO NG ENE. 26—PEB. 1
8 min: Lokal na mga patalastas. Himukin ang lahat na makibahagi sa pagpapatotoo sa Linggo, Pebrero 2.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang Positibong Saloobin.” Tanong-sagot.
17 min: “Mga Suskripsiyon—‘Ang Karunungan ay Nananawagan’!” Rerepasuhin ng matanda ang insert mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian ng Abril, 1983. Itatampok ang mga mungkahi sa pagkuha ng mga suskripsiyon sa mga pahina 5 at 6.
Awit 173 at panalangin.
LINGGO NG PEBRERO 2-8
10 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita. Magpasigla para sa gawain sa magasin sa Sabadong ito.
15 min: “Makinabang Nang Lubusan Mula sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro.” Tanong-sagot sa pamamagitan ng tagapangasiwa sa paaralan. Pasiglahin ang lahat na nasa kalagayang magpatala, gampanan ang kanilang mga atas nang taimtim at makinabang nang lubusan mula sa programa linggu-linggo.
20 min: “Do You Show Godlike Kindness?” Pahayag salig sa artikulo ng Setyembre 15, 1985 na Watchtower.
Awit 156 at panalangin.