Makinabang Nang Lubusan Mula sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro
1 Sa Enero ay magpapasimula ang isang bagong eskedyul para sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro. Dahilan dito, makabubuti para sa inyo na basahing maingat ang pambungad ng materyal sa eskedyul ng 1986 upang kayo ay makapaghanda at makinabang nang lubusan mula sa Paaralan sa Pagmiministro sa taong ito.
2 Sa eskedyul na ito ang mga aklat ng Bibliya sa 1 at 2 Samuel, 1 at 2 Hari, at 1 at 2 Cronica ang sasaklawin. Magkakaroon ng mga pahayag ng nagtuturo sa bawa’t isa sa mga aklat na ito bago magpasimula ang pagbabasa. Ang mga pahayag sa mga aklat na ito ay hindi lamang salig sa kung ano ang lilitaw sa aklat na “All Scripture Is Inspired of God and Beneficial.” Ang mga karagdagang materyal sa mga aklat na ito ng Bibliya ay maaaring kunin mula sa mga artikulo sa Ang Bantayan. Halimbawa, ang materyal sa dalawang aklat ng Samuel ay lumitaw sa Enero 1, 1985 ng Watchtower (Hulyo 1, 1985 sa Tagalog). Ang impormasyon sa mga aklat ng mga Hari ay lumitaw sa Mayo 1, 1985 na Watchtower (Nobyembre 1, 1985 sa Tagalog), samantalang ang mga aklat ng Cronica ay tinalakay sa Setyembre 1, 1985 na Watchtower (sa Ingles lamang). Bakit hindi basahing muli ang mga artikulong ito bago pa sumapit ang eskedyul ng mga aklat na ito sa Paaralan sa Pagmiministro? Walang pagsalang ang mga artikulong ito ay magbibigay ng kasariwaan sa mga pahayag ng nagtuturo at magiging nakapagtuturo.
3 Ang mga tagapangasiwa sa paaralan ay magnanais ding magbigay ng pantanging pansin sa sumusunod na punto: Una, titiyakin nilang masasaklaw ang mga punto na lumilitaw sa nasusulat na repaso kapag hindi ito nagawa ng mga may bahagi sa programa. Ikalawa, dapat muna silang magbigay ng nakapagpapatibay at praktikal na payo sa mga estudiyante bago palitawin ang mga kapanapanabik na punto na hindi nabanggit sa pahayag ng estudiyante. Ikatlo, ang mga tagapangasiwa sa paaralan ay dapat na palaisip sa oras, na sila’y hindi mismong lumalampas sa oras, at ang sarilinang payo ay ibinibigay doon sa nagbigay ng pahayag ng nagtuturo na hindi binantayan ang kanilang oras.
4 Sa paggawa ng mga eskedyul ng pulong, makabubuting magkaintindihan ang punong tagapangasiwa at ang tagapangasiwa sa paaralan upang, hangga’t maaari, ang isang matanda ay hindi mabibigyan ng atas sa dalawang pulong sa isang pagkakataon. Gayundin, kung may pangangailangan, ang mga kuwalipikadong ministeryal na lingkod ay maaaring gamitin sa mga pahayag ng nagtuturo at mga Bible Highlights.
5 Kayo man ay may atas sa Paaralan sa Pagmiministro o wala, makabubuting maingat na basahin ang materyal na naka-eskedyul sa linggong iyon. Maingat na sundan ang pagbabasa sa Bibliya at tingnan ang mga punto na hindi ninyo lubusang naiintindihan. Basahin ang materyal para sa pahayag ng nagtuturo nang patiuna upang kayo ay makabahagi sa bibigang pagrerepaso. Sa paggawa ng lahat ng ito, tayo ay makikinabang nang lubusan sa paglalaang ito ni Jehova para sa ating espirituwal na edukasyon sa 1986.