Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/86 p. 1-2
  • lhayag ang Ating Pagsulong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • lhayag ang Ating Pagsulong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • PAGSULONG SA ARAL AT ASAL
  • MAGSIKAP SA PAG-ABOT
  • Maging Progresibo—Gumawa ng Pagsulong
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Mga Kabataan—Ipakita ang Inyong Pagsulong
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Gawing Hayag ang Inyong Pagsulong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Ipakita ang Iyong Pagsulong
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
km 1/86 p. 1-2

lhayag ang Ating Pagsulong

1 Ano ang nadarama ninyo kapag nakarinig kayo ng nagkomento sa unang pagkakataon sa pag-aaral ng Bantayan o kapag siya ay nagbigay ng kaniyang unang pahayag sa Paaralan sa Pagmiministro? Hindi ba kayo napasisigla ng kaniyang pagsulong? Kayo ba ay umaalinsabay sa pagsulong ng organisasyon ni Jehova ngayon? Hindi natin nais na maging gaya niyaong tinukoy ni Pablo na: “Kayo ay nangangailangan na naman ng magtuturo sa inyo mula sa pasimula.” (Heb. 5:12) Papaano natin ‘ihahayag ang ating pagsulong sa lahat ng tao’?—1 Tim. 4:15.

PAGSULONG SA ARAL AT ASAL

2 Sinabi ni Pablo kay Timoteo, “Mag-ingat kayo sa iyong sarili at sa iyong turo.” (1 Tim. 4:16) Ang Pulong sa Paglilingkod ay nagtuturo sa atin sa pagpapasulong ng ating kakayahan sa pagtuturo sa mga pag-aaral sa Bibliya, sa pagdalaw-muli, at sa ministeryo sa bahay-bahay. Atin bang ikinakapit ang payong ito anupa’t napasusulong ang ating kakayahan sa paglilingkod?—Kaw. 22:29.

3 Ang Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro ay nagbibigay ng napakainam na tulong sa paghaharap ng mabuting balita sa iba. Inyo bang minamalas ito bilang paglalaan ni Jehova sa espirituwal na pagsulong? Sa pamamagitan ng pakikibahagi sa Paaralan, mapasusulong ninyo ang inyong pagiging mabisa sa pangangaral at makapagbibigay kayo ng isang mabuting halimbawa para sa iba.—Tingnan ang Giya sa Paaralan, pahina 8, 9.

4 Ang pagsulong ay nahahayag din sa pamamagitan ng pag-aayon ng ating asal, salita at saloobin sa Salita ng Diyos. Ang isang malaking tulong dito ay ang aklat na Nagkakaisa sa Pagsamba, na ating pinag-aaralan sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat. Ang aklat na ito ay pantanging inihanda para tulungan tayo na “sumulong sa pagkamaygulang.” (Heb. 6:1) Kayo ba ay lubusang naghahanda, na tinitingnan ang mga kasulatan at nagbubulay-bulay sa materyal? Bakit hindi gawing tunguhin na magkomento nang palagian sa pag-aaral ng aklat, lakip na ang pagkokomento sa mga binanggit na kasulatan? Sikaping ikapit nang personal ang payo na tinatalakay bawa’t linggo. Ipakita na ang Salita ni Jehova ay gumagana sa inyo.—1 Tes. 2:13.

MAGSIKAP SA PAG-ABOT

5 Ang espirituwal na pagsulong ay naipakikita din sa pamamagitan ng pag-abot sa mga pribilehiyo ng paglilingkod. Maaari ba kayong mag-auxiliary payunir sa Marso, Abril o Mayo? Maaari ba kayong maging isang regular payunir? Maaari ba kayong maglingkod kung saan malaki ang pangangailangan? (Tingnan ang Ating Ministeryo, kabanata 9.) Ang mga kapatid na lalaki ay maaaring magpamalas ng pagsulong sa pamamagitan ng pag-abot sa “mainam na gawa” ng pagiging isang ministeryal na lingkod o isang matanda.—1 Tim. 3:1, 13.

6 Ano ang ilan sa mga bagay na maaari nating gawin upang abutin at maipamalas ang ating pagsulong? Ang bawa’t isa ay maaaring magsikap upang ipamalas ang bunga ng espiritu sa lalong malaking antas. (Gal. 5:22, 23) Gayundin, mahalaga na dumalo sa mga pulong nang palagian at maging masigasig na tagapagpahayag ng mabuting balita at pagsikapang tulungan at patibayin ang iba pang miyembro ng kongregasyon. Nagsisikap ba kayo sa mga larangang ito?

7 Ang patuloy na pagdagsa ng mga baguhan sa bundok ng bahay ni Jehova ay humihiling ng espirituwal na pagsulong sa bahagi nating lahat. (Isa. 2:2, 3; 60:22) Ang katapusan ng sistemang ito ng mga bagay ay nalalapit na! Ang pangangailangan na humawak ng pananagutan ang mga maygulang ay hindi kailanman naging malaki gaya ngayon! Kung gayon, “Bulay-bulayin ang mga bagay na ito; tumalaga kang lubos sa mga ito, upang ang iyong pagsulong ay mahayag sa lahat.”—1 Tim. 4:13-15.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share