Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/86 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
km 2/86 p. 3

Mga Patalastas

● Alok na literatura sa Pebrero: Isang taong suskripsiyon sa Ang Bantayan sa ₱50.00. (Anim na buwang suskripsiyon at buwanang edisyon sa ₱25.00.) Marso at Abril: Aklat na Mabuhay Magpakailanman. (Gayumpaman, ang may aklat na newsprint sa kanilang wika ay dapat na ialok ito sa ₱2.50 ang isa. Gayundin, dahilan sa patalastas sa pandistritong kumbensiyon hinggil sa rebisadong aklat na Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan, nais naming himukin ang lahat ng kongregasyong Tagalog na ialok ang alinmang natitirang kopya ng Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan—Saan Magmumula? sa Tagalog o sa Ingles sa Marso at Abril. Ang alok na ito ay sa regular na abuloy yamang ang mga aklat na ito ay nasa puting papel.) Mayo: Ang aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or Creation?

● Ang lahat ng regular na pulong ay idaraos gaya ng dati sa linggo ng Memoryal.

● Sa Linggo, Marso 9, isang pantanging pahayag pangmadia ang ibibigay sa buong daigdig. Ang paksa ng pahayag na ito ay “Ang Kawalang Kapanatagan ng Sanlibutan—Mayroon bang Kalutasan?” Ang balangkas ay ilalaan sa mga tagapagsalita. Yaong mga kongregasyon na may dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito o may pansirkitong asamblea para sa linggong iyon ay magkakaroon ng pantanging pahayag sa susunod na linggo. Walang kongregasyon na magbibigay ng pahayag na ito bago ang Marso 9.

● Sa Linggo, Pebrero 16, isang pulong ang idaraos para sa lahat ng nagpaplanong mag-auxiliary payunir sa Marso, Abril at Mayo. Ang lahat ay hinihimok na dumalo. Ito ay gaganapin bago o pagkatapos ng lingguhang pag-aaral ng Bantayan.

● Ang punong tagapangasiwa o ang sinumang inatasan niya ay dapat na mag-audit sa kuwenta ng kongregasyon sa Marso 1 o karakaraka pagkatapos ng petsang iyon.

● Kung hindi pa ninyo naipadadala ang inyong pidido sa karagdagang magasin para sa Abril, pakisuyong gawin agad iyon karakaraka. Tiyaking isaalang-alang ang maraming auxiliary payunir na mangangailangan ng magasin sa panahong iyon.

● Dahilan sa paggamit ng computer sa salansan ng suskripsiyon, kakailanganing baguhin ang petsa ng pagtatapos ng mga suskripsiyon niyaong mga suskritor kapuwa sa Ang Bantayan at Gumising! sa iisang wika subali’t magkaiba ang petsa ng pagtatapos. Ang kumpletong bilang ng binayarang kopya ay ipadadala upang walang malibanang isyu ang suskritor. Ang sistemang ito ay magpapatuloy sa gayong uri ng suskripsiyon sa hinaharap.

● Sa panahon ng kanilang dalaw sa kongregasyon, ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay magrerepaso ng mga punto mula sa bagong aklat na Reasoning sa mga pagtitipon bago maglingkod.

● Makukuhang Bagong mga Publikasyon:

Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?—Ingles

Reasoning From the Scriptures—Ingles

The Government That Will Restore Paradise (brochure)—Ingles, Cebuano, Iloko, Tagalog

Aklat na Mabuhay Magpakailanman (maliit na edisyon)—Hiligaynon

Deluxe New World Translation Bible (edisyong 1984, may reperensiya, itim man o maroon. Limitado lamang ang suplay.)—Ingles

Pansinin: Ang cassette tape para sa Kingdom Melodies No. 6, na ipinatalastas sa pandistritong kumbensiyon ay hindi pa dumarating. Pakisuyong maghintay hanggang sa ipatalastas ito bago pumidido.

● Makukuha na Naman:

Mga Paksa sa Bibliya na Mapag-uusapan—Cebuano

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share