Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/86 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
km 4/86 p. 3

Mga Patalastas

● Alok na literatura sa Abril: Yaong mga may newsprint na aklat sa kanilang wika ay mag-aalok nito sa ₱2.50 ang bawa’t isa o 3 sa ₱7.00. Ang mga kongregasyong Tagalog ay mag-aalok ng aklat na Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan sa ₱14.00. Ang iba ay mag-aalok ng aklat na Mabuhay Magpakailanman. Mayo: Aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? sa ₱35.00. Hunyo at Hulyo: Anumang pambulsang aklat sa regular na abuloy. (Kung mayroon pang natitirang aklat na Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan, maaaring ialok ang mga ito upang maipamahaging lahat ito.)

● Maaari nang ipadala ang mga pidido para sa 1985 tomo ng The Watchtower at Awake! Ang mga pididong tatanggapin ay sisingilin sa kongregasyon at mamarkahan ng “later” sa invoice. Kapag dumating ang mga tomo mula sa Nueva York, ang inyong mga pidido ay ipadadala. Ang halaga ay ₱70.00 para sa bawa‘t tomo.

● Yamang ang Abrii ay isang pantanging buwan, pakisuyong tiyaking ipadala ang ulat sa paglilingkod sa larangan ng inyong kongregasyon nang hindi lalampas sa Mayo 6. Ang lahat ng mga mamamahayag ay hinihimok na makipagtulungan sa pamamagitan ng pagbibigay kaagad ng kanilang mga ulat sa katapusan ng Abril.

● Ang lahat ng ulat sa Memoryal ay kailangang ipadala kaagad pagkatapos ng pagdiriwang, at hindi kailangang maghintay pa hanggang sa katapusan ng Marso bago gawin iyon.

● Pasimula sa linggo ng Abril 27 hanggang Mayo 3, ang mga kongregasyong Cebuano, Hiligaynon, Iloko at Tagalog ay mag-aaral sa mga artikulo ng Watchtower na hindi napag-aralan nang nakaraang taon dahilan sa pagpapasimula ng pag-iimprenta sa magkakasabay na isyu. Ang mga ito ay isi-serye sa Gumising! ng mga nabanggit na wika.

● Walang pagsalang ang Mayo 1 ay isang pista opisyal kaya hinihimok ang lahat na magsaayos ng pantanging gawain sa magasin sa araw na iyon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share