Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG ABRIL 13-19
10 min: Angkop na mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian at lokal na mga patalastas. Ilakip ang ulat ng kuwenta. Tiyakin na dalawin yaong mga hind! pa nag-uulat sa Abril upang himukin silang makibahagi bago matapos ang buwan. Gayundin, kung ang kongregasyon ay mayroon pang natitirang aklat na Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan, isaayos na maipamahagi ang mga ito bago matapos ang Abril.
18 min: “Masusumpungan ang Kapahingahan ng Inyong mga Kaluluwa.” Tanong-sagot.
17 min: Reasoning From the Scriptures. Pagtalakay sa tagapakinig ng “Prophecy,” mga pahina 295-297.
(3 min.) Tsirman: Ibigay ang kahulugan ng hula at magbigay ng mga halimbawa sa mga hula ng Bibliya na natupad na.
(14 min.) Pagtalakay sa tagapakinig. Anong mga hula sa Bibliya ang matutupad pa? (Itampok ang Apocalipsis 21:3, 4.) Bakit ang mga Kristiyano ay lubhang interesado sa hulang ito gaya rin ng iba? Ang seksiyong ito sa aklat na Reasoning ay maaaring maging kapakipakinabang samantalang ginagamit natin ang Paksang Mapag-uusapan. Hilingin sa lahat na dalhin ang aklat na Reasoning sa Pulong sa Paglilingkod sa susunod na linggo. Himukin ang lahat na makibahagi sa gawaing pangangaral sa dulong sanlinggong ito.
Awit 187 at panalangin.
LINGGO NG ABRIL 20-26
10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita. Magpasigla sa gawain sa magasin sa ika-4 na Sabado at isaayos na magkaroon ng isang maikling pagtatanghal kung papaano ihaharap sa mga tao ang Abril 22, 1986 ng Gumising!.
20 min: “Pagpapakita ng Pagpapahalaga sa Paglilingkurang Payunir.” Pagsaklaw sa pamamagitan ng tanong-sagot na susundan ng limang minutong pakikipanayam sa mga regular o auxiliary payunir na tinulungan ng mga kasambahay o ng iba pa na makibahagi sa gawaing payunir. Papaano ba sila tinulungan? Ano ba ang nakapagpatibay sa kanila? Ano ba ang personal nilang ginawa upang mapatibay ang kanilang determinasyon na magpatuloy sa paglilingkurang payunir? Sa katapusan, himukin ang lahat na maaaring magpatuloy bilang auxiliary payunir sa Mayo at Hunyo.
15 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang mga Mabisang Pambungad.” Tanong-sagot. Itanghal ang mga mungkahi sa parapo 3 at 4.
Awit 34 at panalangin.
LINGGO NG ABR. 27—MAYO 3
3 min: Lokal na mga patalastas. Himukin ang lahat na makibahagi sa pagpapatotoo sa unang Llinggo sa Mayo 4. Ipagunita sa lahat na magulat kaagad ng kanilang ginawa sa Abril.
20 min: Paghaharap ng Alok na Literatura sa Mayo. Itawag-pansin ang impormasyon sa artikulong, “Gamitin ang Bagong Aklat na Creation sa Mayo.” Magbigay ng mungkahi at itanghal ang ilang maiikling presentasyon ng aklat na Creation.
17 min: “Tiyaking Bumalik-Muli.” Tanong-sagot na may kasamang lokal na pagkakapit. Sa pagtalakay sa mga parapo 5 at 6, isaalang-alang ang lokal na mga kalagayan at mag-alok ng praktikal na mungkahi at pampatibay-loob.
Awit 30 at panalangin.
LINGGO NG MAYO 4-10
10 min: Lokal na mga patalastas. Magpasigla para sa gawain sa magasin sa ika-2 Sabado. Repasuhin din ang mga litaw na punto sa aklat na Creation na maaaring gamitin ng mga kapatid sa pag-aalok nito sa buwang ito.
15 min: “School and Jehovah’s Witnesses—Are You Using It?” Pahayag salig sa artikulong nasa Oktubre 1, 1985 ng Watchtower. Ilakip ang mga kapahayagan mula sa mga magulang at kabataan sa lokal na kongregasyon na nagtagumpay sa paggamit ng brochure. Sa pahayag, maaaring pagsalaysayin ng tsirman ang lokal na mga kabataang mamamahayag ng mga karanasan na nasa artikulo ng Watchtower.
20 min: Maaaring isaayos ng mga matatanda ang bahaging ito sa lokal na paraan, o maaaring ibigay ang pahayag sa paksang, “Mag-ingat Laban sa Pagkamanhid sa Kasalanan!” salig sa artikulo sa Abril 1, 1986 ng Bantayan, pahina 23.
Awit 54 at panalangin.