Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG MAYO 11-17
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Himukin ang lahat na dalhin ang aklat na Reasoning sa susunod na pulong ukol sa paglilingkod.
18 min: “Maging Mapamaraan sa Inyong Ministeryo.” Tanong-sagot. Itanghal ang mga presentasyon sa aklat na Creation sa mga parapo 6 at 7.
17 min: Pahayag sa artikulong, “Anong Karera ang Pipiliin?” sa Bantayan ng Abril 15, 1986, pahina 22. Himukin yaong nakaranas mag-auxiliary payunir noong Abril at Mayo na gawing karera ang gawaing pagpapayunir hangga’t maaari.
Awit 181 at panalangin.
LINGGO NG MAYO 18-24
8 min: Lokal na mga patalastas, ulat ng kuwenta at Teokratikong mga Balita. Himukin ang lahat na makibahagi sa gawain sa magasin sa Sabadong ito.
12 min: “Ang Pag-aaral ng Aklat sa Kongregasyon.” Pagsaklaw sa pamamagitan ng tanong-sagot ng isang matanda na konduktor sa pag-aaral. Iharap ang mga punto na kailangang bigyan ng pansin sa lokal na paraan.
25 min: Gamitin ang Reasoning From the Scriptures sa mga Pagdalaw-muli. Pahayag at pagtatanghal. Inihalintulad ni Pablo ang ating gawain sa isang magsasaka na hindi lamang nagtatanim kundi nagdidilig din, at naghihintay na ‘palaguin iyon ng Diyos.’ Si Pablo ay nagtanim sa pamamagitan ng pagdadala ng mabuting balita; si Apolos ang naglinang sa bukid sa pamamagitan ng karagdagang pagtuturo. Makapangyarihang ginamit ni Apolos ang mga Kasulatan upang ‘magdilig,’ at gayon din ang kailangan nating gawin sa pamamagitan ng pagbabalik upang turuan ang mga taong interesado.—1 Cor. 3:5-7; Gawa 18:27, 28.
Ang isang kabataang kapatid na lalake mula sa tagapakinig ay nagtaas ng kamay, nagagalak na kaniyang nagagamit ngayon ang Paksang Mapag-uusapan sa larangan subali’t hindi pa nakadadalaw-muli; nag-aalinlangan, walang karanasan sa paggamit ng Bibliya. Papaano kung may katanungan ang maybahay na hindi niya kayang sagutin? Inanyayahan ng tsirman ang kapatid sa plataporma. Ipinaliwanag na nauunawaan ni Jehova ang ating pangangailangan at naglalaan ng tulong sa pamamagitan ng kaniyang organisasyon. Ipinakita kung papaanong ang aklat na Reasoning ay sumasaklaw sa iba’t ibang paksa at mga katanungan. Ipinaliwanag kung papaano hahanapin ang impormasyon sa pamamagitan ng paggamit ng indese at ng listahan na nasa unahan ng aklat. Sandaling kinuha ng tsirman ang papel ng isang maybahay na naniniwalang literal nating makikita si Jesus sa kaniyang pagbabalik. (Apoc. 1:7) Pagkatapos ay tinulungan ng tsirman na hanapin ang impormasyon sa mga pahina 342 at 343. Ginamit ng kapatid ang impormasyon mula sa aklat, nangatuwiran sa maybahay at nagpahayag ng kasiyahan na nakapagbigay siya ng kasagutan, na ngayo’y higit na may pagtitiwala.
Ang tsirman ay nagpatuloy ng pahayag. Ipakita kung papaano sa maraming kaso, makapaglalagay tayo ng saligan para sa pagbabalik sa pamamagitan ng pagbabangon ng katanungan. Pagtatanghal: Pagkatapos tanggapin ang alok, nagtanong ang mamamahayag: “Papaano natin matitiyak na ang mga kalagayang ito na ipinangako ng Diyos ay mangyayari sa ating panahon? Nais kong magbalik pagkaraan ng ilang araw upang ipakita sa inyo ang kasagutang ibinigay ni Jesus sa katanungang iyan.” Sumang-ayon ang maybahay. Tinanong ng tsirman ang mamamahayag kung ano ang kaniyang plano sa pagdalaw-muli. Ang mamamahayag ay bumaling sa materyal sa ilalim ng “Last Days” sa aklat na Reasoning at sa ilang punto na gagamitin upang maipagpatuloy ang dating pag-uusap. Ang pagsunod sa mungkahing ito ay maaaring umakay sa pagkakaroon ng isang pag-aaral sa Bibliya.
Magtapos sa pamamagitan ng pagpapakitang ang isang pagdalaw-muli ay hindi kailangang maging isang matagalang pag-uusap, na maaaring gumamit ng dalawa o tatlo lamang punto mula sa Kasulatan. Maaaring dumalaw muna ng ilang ulit bago magkaroon ang maybahay ng sapat na espirituwal na gana para sa pag-aaral ng Bibliya. (Mat. 5:3) Ang aklat na Reasoning ay maaaring makatulong yamang ito ay nagtataglay ng maraming punto na pinag-iisipan ng mga tao at gumagamit ng mga Kasulatan upang sagutin iyon. Himukin ang lahat na mag-eskedyul ng panahon para sa mga pagdalaw-muli. Magtiwala kay Jehova na kaniyang aakayin ang mga tapat-pusong mga tao tungo sa katotohanan.—Gawa 16:14.
Awit 156 at panalangin.
LINGGO NG MAYO 25-31
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipagunita sa lahat na makibahagi sa pagpapatotoo sa unang Linggo ng Hunyo 1.
20 min: “Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan.” Limang minutong pahayag sa mga parapo 1-3. Magkaroon ng apat na maiikling pagtatanghal na ginagamit ang mga punto sa mga parapo 4-7. Para sa mga parapo 4 at 5, gawin ang pagtatanghal pagkatapos na basahin ang Apocalipsis 21:3, 4. Magtapos sa mga punto na nasa parapo 8.
15 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Na Ginagamit ang Aklat na Reasoning.” Tanong-sagot. Itanghal ang mga mungkahi sa mga parapo 3 at 4. Pagkatapos ng bawa’t pagtatanghal hayaang magkomento ang tagapakinig kung bakit ang materyal mula sa aklat ay magiging mabisa sa lokal na teritoryo.
Awit 97 at panalangin.
LINGGO NG HUNYO 1-7
5 min: Lokal na mga patalastas.
20 min: Mga karanasan mula sa 1986 Yearbook. Tatalakayin ng matanda kasama ng tatlo o apat na mamamahayag na nagrerepaso sa ilang kapanapanabik na karanasan. Piliin mula sa sumusunod: Tingnan ang yb86, p. 16, par. 1; p. 18, par. 4, 5; p. 21, par. 1, 3; p. 22, par. 3; p. 29, par. 2; p. 33, par. 2; p. 44, par. 2.
20 min: Lokal na mga pangangailangan, o isang pahayag salig sa artikulong, “Mayroon bang Pakinabang sa Paghihirap?” sa Mayo 1, 1986 Bantayan, pahina 27.
Awit 16 at panalangin.