Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG HULYO 13-19
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ilakip ang ulat ng kuwenta. Papurihan ang kongregasyon sa materyal na tangkilik nila sa gawaing pang-Kaharian. Kung nakatanggap ang kongregasyon ng sulat mula sa Samahan tungkol sa ipinadalang abuloy, maaari itong basahin.
20 min: “Maging Progresibo sa Inyong Ministeryo.” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo. Magharap ng isa o dalawang pagtatanghal na mabuti ang pagkakahanda na nagpapakita kung papaano iaalok ang aklat na True Peace sa lokal na teritoryo. Pansinin ang paggamit ng Roma 16:20 bilang ikalawang kasulatan sa Paksang Mapag-uusapan.
15 min: Paghahanda ng Pamilya para sa Paglilingkod sa Larangan. Pagtalakay ng pamilya. Ang ulo ng pamilya ay nanguna sa pag-uusap kasama ang asawa at mga anak, isang bata at isang tin-edyer. Itinawag-pansin ng ama ang impormasyon sa pahina 11 ng aklat na Reasoning sa ilalim ng “FAMILY/CHILDREN.” Iminungkahi na ang mga impormasyong ito ay maaaring gamitin kasama ng kasalukuyang Paksang Mapag-uusapan. Sumang-ayon ang asawang babae. Siya’y naniniwala na ang presentasyong ito ay magiging mabisa sa lokal na teritoryo yamang doon ay maraming pamilya na may mga anak na nasa kabataan pa. Gusto niyang makasama ang isa sa mga anak sa bahay-bahay at basahin ang isa sa mga gagamiting teksto. Nagtanong ang ama sa nakatatandang anak na lalaki o babae kung papaano gagamitin ng isang kabataan ang materyal na ito sa ministeryo. Pagkatapos batiin ang maybahay, maaaring itanong ng tin-edyer kung mayroong mga anak sa pamilya at tanungin ang maybahay kung ano sa palagay niya ang kinabukasan ng mga anak sa ngayon. Maaari niyang sabihin na bagaman maraming mga kabataan ang nasisiraan-ng-loob hinggil sa kinabukasan nila, siya ay may mabuting inaasahan dahilan sa itinuro ng kaniyang mga magulang sa kaniya mula sa Bibliya. Aakay ito sa kasalukuyang paksa. Ang nakababatang anak ay maaaring tulungan na maghanda ng gagamiting maikling presentasyon sa pag-aalok ng aklat na True Peace o sa bagong labas ng magasin, o ipakita kung papaano mag-aalok ng tract kapag gumagawang kasama ng magulang. Dapat pasiglahin ng tsirman ang mga magulang na tulungan ang pamilya na maghanda para sa gawain sa bahay-bahay.
Awit 126 at panalangin.
LINGGO NG HULYO 20-26
10 min: Lokal na mga patalastas. Magpasigla para sa gawain sa magasin sa Sabado. Talakayin ang mga tampok na bahagi sa bagong labas ng magasin na makatatawag-pansin sa lokal na teritoryo. Gumawa ng angkop na pagtatanghal na nagtatampok sa pinakabagong isyu.
20 min: “Panatilihing Matibay ang Pananampalataya sa Pamamagitan ng Personal na Pag-aaral.” Pagkatapos ng maikling pambungad salig sa parapo 1, gawing tanong-sagot ang pagtalakay sa natitirang mga parapo. Kapag tinatalakay ang parapo 6, ilakip ang mga praktikal na mungkahi na nakatulong sa lokal na mga kapatid. Maaaring hilingin na ilahad ng isang mamamahayag kung ano ang nakatulong sa kaniya na mapasulong ang ugali sa pag-aaral.
15 min: “Matatanggap Mo ba ang Disiplina?” Magpahayag sa kongregasyon salig sa artikulo pasimula sa pahina 26 ng Mayo 1, 1986 na Bantayan.
Awit 138 at panalangin.
LINGGO NG HULYO 27—AGOS. 2
10 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita. Ipagunita sa lahat na tangkilikin ang pagpapatotoo sa unang Linggo ng Agosto 3.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Na Ginagamit ang mga Brochure.” Tanong-sagot na pagtalakay. Kapag tinatalakay ang mga parapo 3 at 4, magkaroon ng maikling pagtatanghal kung papaano iaalok ang mga brochure na Banal na Pangalan at Pamahalaan, na ginagamit ang ibinigay na mungkahi.
15 min: “Pagpapasulong sa Uri ng Ating mga Pulong.” Nakapagpapasiglang pahayag. Itanghal ang mga punto sa parapo 4 sa pamamagitan ng paggamit sa materyal mula sa Pagaaral ng Bantayan o Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat noong nakaraang linggo.
Awit 31 at panalangin.
LINGGO NG AGOSTO 3-9
10 min: Lokal na mga patalastas. Magpasigla para, sa gawain sa magasin sa Sabadong ito.
20 min: Ano ang Pinagyayaman Ninyo? Isang pahayag na may pakikibahagi ang tagapakinig, na idiniriin ang paglalagay ng espirituwal na tunguhin sa unahan at pananatiling nagtitiwala sa kapangyarihan ni Jehova na maglaan. Mahalaga na sagutin nang wasto ang katanungang ito yamang ang puso ay nakasentro sa kung ano ang higit nating pinahahalagahan sa buhay. (Mat. 6:21) Ang pagkakaroon ng maling pangmalas sa materyal na bagay maging mayaman o mahirap ay maaaring umakay sa maling pagtitiwala o labis na pagkabahala sa materyal na kapakinabangan. (Kaw. 10:15; 18:11; Luk. 12:15) Ang pinakamahalagang pag-aari ay ang mabuting relasyon kay Jehova. (Awit 63:3, 4; 73:27, 28) Mawawalan ng halaga ang materyal na bagay sa araw ng paghuhukom. (Kaw. 11:4) Manatiling timbang ngayon habang inaabot ang mga espirituwal na tunguhin. (Kaw. 30:8, 9) Dapat na magpasigla ukol sa espirituwal na tunguhin ang mga Kristiyano tulad ng paglilingkuran bilang auxiliary at regular payunir, o pagpapasulong at pagdalisay sa hain ng papuri kay Jehova. Hindi dapat na ipangamba ng mga magulang na isinasapanganib nila ang kinabukasan ng mga kabataan kung maglagay sila ng espirituwal na tunguhin para sa kanila. (Awit 37:25) Kapag kailangang gawin ang mahalagang mga pagpapasiya sa buhay, pinatutunayan ba natin na ang ating pag-ibig ay nakasentro kay Jehova at sa kapakanan ng Kaharian o sa ibang mga bagay? (Maaaring humiling ng komento mula sa ilan na nasa kongregasyon na mabuting halimbawa sa bagay na ito.) Patibayin ang pag-ibig sa bagay na mamamalagi ng walang hanggan.—Awit 91:14-16; 2 Cor. 4:18.
15 min: Lokal na pangangailangan o “Pananalangin sa Harap ng Iba Taglay ang Mapagpakumbabang Puso.” Pahayag salig sa artikulo pasimula sa pahina 21 ng Mayo 15, 1986 na Bantayan.
Awit 202 at panalangin.