Paghaharap ng Mabuting Balita—Na Ginagamlt ang mga Brochure
1 Sa buwan ng Agosto magkakaroon tayo ng pagkakataon na mag-alok ng alinman sa 32-pahinang brochure ng Samahan sa ministeryo sa larangan. Tiyak na masisiyahan tayong mag-alok ng mga ito, palibhasa’y makulay ang mga ito at nagtataglay ng maliwanag na pabalita na maikli at madaling maunawaan. Gayundin ang abuloy na ₱4.20 ay hindi mabigat para sa mga maybahay.
2 Yamang sa kasalukuyan ang mga brochure na makukuha sa mga pangunahing wika ay ang Banal na Pangalan at Pamahalaan, iminumungkahi namin na ang mga brochure na ito ang mabigyan ng pantanging pagdiriin sa Agosto. Pakisuyong tingnan ang Mga Patalastas hinggil sa mga makukuhang brochure sa pahina 3 ng Ating Ministeryo sa Kaharian na ito.
BROCHURE NA BANAL NA PANGALAN
3 Yamang ang brochure na ito ay nagtataglay ng kakaibang tema kaysa ating Paksang Mapag-uusapan, baka nanaisin ninyong gamitin ang Mateo 6:9 at Awit 83:18 kapag inihaharap ito sa mga tao. Maaaring subukan ninyo ang pambungad na ito: “Magandang umaga po. Kami po ay may itinatanong sa mga tagarito at nais naming malaman ang inyong komento sa bagay na ito. Alam ninyo na tayo ay tinuruan ni Jesus na manalangin ng ‘Ama Namin’ at kaniyang sinabi sa Mateo 6:9 na, ‘Sambahin nawa ang pangalan mo.’ Napag-isipan na ba ninyo kung ano ang pangalan ng Diyos? [Hayaang magkomento ang maybahay.] Marami ang nag-iisip na ito ay Jesus, subali’t sa Juan 17:26 ay sinabi ni Jesus na ipinahayag niya ang pangalan ng kaniyang Ama. At dito sa Awit 83:18 ay masusumpungan nating maliwanag na sinasabing ang pangalan ay Jehova. Marahil ay nagtataka kayo kung bakit ang pangalang ito ay hindi malimit na ginagamit sa ibang Bibliya. Kung gayon ang brochure na ito ang nagpapaliwanag nito nang detalyado. Pansinin kung ano ang sinasabi nito sa pahina 3. Puwedeng magkaroon kayo nito sa abuloy na ₱4.20 lamang.”
BROCHURE NA PAMAHALAAN
4 Nakatitiyak kaming hindi kayo mahihirapan sa paggamit ng kasalukuyang Paksang Mapag-uusapan taglay ang brochure na, Ang Pamahalaan na Magdadala ng Paraiso. Sa pagtalakay sa teksto sa Awit 146:3 tungkol sa kabiguan ng tao na magdala ng kapayapaan, maaari kayong bumanggit hinggil sa lokal na suliranin sa bagay na ito. O marahil ay nanaisin na lamang ninyo na bumaling sa pahina 22 ng brochure na Pamahalaan at ipakita ang kalagayan na umiiral ngayon bilang bunga ng pamamahala ng tao. Pagkatapos na bumaling sa Roma 16:20, maaari kayong tumungo sa pahina 31 ng brochure at ipakita ang uri ng kapayapaan na ipinangakong lilikhain ni Jehova, at marahil ay maaaring basahin ang teksto na sinisipi dito mula sa Apocalipsis 21:3, 4. Ang makulay na brochure na ito ay angkop na angkop sa panahong ito na ang mga tao ay nalilito hinggil sa pinakamabuting uri ng pamahalaan para sa sangkatauhan.
BROCHURE NA TAMASAHIN ANG BUHAY
5 Para doon sa nagtataglay ng brochure na ito sa kanilang mga wika, angkop lamang ang ating Paksang Mapag-uusapan. Pagkatapos na ipakita ang Awit 146:3 kung papaanong hindi nakapagdulot ng kapayapaan ang mga pamahalaan, maaari ninyong ipakita ang ilustrasyon Blg. 41 at 42 hinggil sa hari ng Diyos at kung papaano siya mamamahala sa buong lupa. Pagkatapos ay maipakikita ninyo kung papaano siya magdadala ng kapayapaan sa sumusunod na mga ilustrasyon, Blg. 43 hanggang 49.
6 Maaaring masiyahan ang mga kapatid na mag-alok ng dalawang brochure na magkasama sa abuloy na ₱8.40 o isang brochure at isa o dalawang magasin. Gayumpaman, sa lahat ng pagkakataon, sikaping maglagay ng saligan ukol sa isang pantahanang pag-aaral sa Bibliya sa pamamagitan ng pagbabangon ng mga katanungan na maaaring sagutin sa susunod ninyong pagdalaw. Ang mga brochure ay napakainam para sa pagpapasimula ng mga pag-aaral kaya hinihimok namin kayong maging gising sa lahat ng mga pagkakataon na gawin iyon sa Agosto.