Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG NOBYEMBRE 9-15
10 min: Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian, lokal na mga patalastas, at Teokratikong mga Balita. Buhay na pag-uusap ng dalawang kapatid. Huwag basta basahin lamang. Pasiglahin ang lahat na makibahagi sa ministeryo sa larangan sa Nobyembre.
17 min: “Ang Nakikinig ay Magsabi: ‘Halika!’” Tanong-sagot. Isaayos nang patiuna ang mga lokal na karanasan ng mga baguhan sa pagpapatotoo sa iba.
18 min: “Ang Buhay at Ministeryo ni Jesus.” Masiglang pagtalakay ng pamilya kung paano sila nakinabang sa materyal mula nang ito ay unang lumabas noong Abril 1, 1985, Watchtower. Ang ama ay nagtanong ng espesipikong katanungan sa mga anak kung paano silang personal na nakinabang mula sa kararaan lamang mga artikulo sa seryeng ito. Itampok ang debosyon ni Jesus para sa tunay na pagsamba at ang kahalagahan ng kaniyang ministeryo.—Juan 4:34, 35.
Awit 156 at panalangin.
LINGGO NG NOBYEMBRE 16-22
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Ilakip ang ulat ng anumang abuloy na ipinadala ng kongregasyon sa Samahan para sa gawaing pang-Kaharian gaya ng nakatala sa pinakahuling statement mula sa Samahan.
17 min: Kayo ba ay Handa Para sa Ministeryo sa Larangan? Pahayag ng tagapangasiwa sa paglilingkod na nagdiriin sa kahalagahan ng pagiging handa bago magpasimula sa paglilingkod. Kailangang maging pamilyar sa nilalaman ng iniaalok na literatura at insayuhing mabuti ang Paksang Mapag-uusapan. Itanghal ng mamamahayag o payunir ang kasalukuyang Paksang Mapag-uusapan at ang alok sa Nobyembre.
18 min: Kusang-Loob na Iniaalok ng mga Kristiyanong Kabataan ang Kanilang Sarili. Ang matanda ay palakaibigang nakikipag-usap sa impormal na paraan sa dalawang tin-edyer na mamamahayag. Tinanong tungkol sa paaralan. Binanggit nila ang pagsisikap na sila’y isangkot sa extracurricular na mga gawain na hiwalay sa paaralan. Maibiging inalam ng matanda ang kanilang kaisipan sa bagay na ito. Tinalakay ang Awit 110:2, 3 at ang makasagisag na mga “kabayo” ng Apocalipsis 9:14-19. Ilakip ang mga punto sa Marso 1, 1981, Watchtower, p. 18-22. Tapusin ang pag-uusap sa pamamagitan ng pagpapasigla ukol sa ministeryo sa larangan at isaayos na gumawa kasama nila sa Linggo.
Awit 157 at panalangin.
LINGGO NG NOBYEMBRE 23-29
10 min: Lokal na mga patalastas. Pasiglahin ang lahat na makibahagi sa gawain sa magasin sa ikaapat na Sabado. Itanghal ng mahusay na mamamahayag ang dalawang 30-hanggang 60-segundong presentasyon.
17 min: “Tinuruan Mo Ako Mula sa Aking Pagkabata.” Ang isang matanda at ministeryal na lingkod na kapuwa mga magulang ay tatalakayin ang artikulo sa mga bata na iba’t iba ang edad. Pagkatapos ng pagtalakay, sila ay magbibigay ng komento kung paano nila ikakapit ang payo.
18 min: Ang Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro para sa 1987.” Pahayag ng tagapangasiwa sa paaralan, na sinasaklaw ang impormasyon sa artikulo at nirerepaso ang ibang mga susing punto na kailangang bigyang pansin sa lokal na paraan. Repasuhin ang mga tagubilin sa Theocratic Ministry School Schedule for 1987. Himuking magpatala ang mga kuwalipikado.
Awit 78 at panalangin.
LINGGO NG NOB. 30—DIS. 6
10 min: Lokal na patalastas. Talakayin ang alok sa Disyembre: Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya sa ₱35.00. Magkaroon ng pagtatanghal na iniuugnay ang Paksang Mapag-uusapan sa alok. Pasiglahin ang lahat para makibahagi sa paglilingkod sa larangan sa unang Linggo ng Disyembre.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa mga Pagdalaw-muli.” Tanong-sagot na pagsaklaw. Sa parapo 3, itanghal ang hinggil sa paghahanda para sa pagdalaw-muli, na ginagamit ang paksang “Government” sa pahina 152 ng aklat na Reasoning.
15 min: Magpatuloy sa Aktibong Pagpuri kay Jehova. Talakayin sa kongregasyon ang artikulong “Paglilingkod sa Disyembre” na pinasisigla ang lahat na makibahagi sa paglilingkod sa larangan sa pagpapasimula pa lamang ng buwan. Repasuhin sa kongregasyon kung ano ang naisagawa ng kongregasyon sa gawain sa larangan sa kararaan lamang mga buwan. Maaaring ibahagi ang ilang piling mga karanasan, na inilalahad ito ng naghandang mga mamamahayag. Yamang ang marami sa atin ay nasa kumbensiyon sa huling bahagi ng buwan, maging alisto tayo na samantalahin ang lahat ng pagkakataon na makapangaral sa pasimula ng buwan. Kapag praktikal ang pagpapatotoo sa gabi, pasiglahin ang mga kapatid na ipagpatuloy ito. Ang iba’t iba pang paraan kung paanong ang isa ay maaaring aktibong makibahagi sa pagpuri kay Jehova sa linggo ng kumbensiyon ay maaari ding talakayin. Idiin ang pagiging regular sa paglilingkod bawa’t buwan ng taon.
Awit 172 at panalangin.