Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/86 p. 1-8
  • “Tinuruan Mo Ako Mula sa Aking Pagkabata”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Tinuruan Mo Ako Mula sa Aking Pagkabata”
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Subtitulo
  • MGA HALIMBAWA UPANG TULARAN
Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
km 11/86 p. 1-8

“Tinuruan Mo Ako Mula sa Aking Pagkabata”

1 Ang isa sa pinakamainam na katangian na maikikintal ng isang magulang sa kaniyang anak ay ang pagnanais na maibahagi ang mabuting balita ng Kaharian sa iba. Dahilan sa di sakdal na hilig ng isip at puso mula sa pagsilang, ang mga anak ay dapat na turuan kung ano ang inaasahan sa kanila upang mapaluguran ang Diyos.—Awit 71:17.

2 Inutusan ni Jehova ang mga Israelita na turuan ang kanilang mga anak ng kaniyang mga batas at kautusan. (Deut. 6:6-9) Ang gayunding tagubilin ay angkop para sa mga pamilya sa ngayon sa pagsasagawa nila ng banal na paglilingkod sa Diyos.

MGA HALIMBAWA UPANG TULARAN

3 Ang Bibliya ay naghaharap ng napakainam na halimbawa ng mga kabataan na nagsagawa ng banal na paglilingkod mula sa kanilang kamusmusan. Si Samuel ay nagpasimula sa paglilingkod sa templo pagkatapos na siya’y iwalay ng kaniyang ina, anupa‘t ang kaniyang edad noon ay maaaring ihambing sa edad bago pumasok sa paaralan sa ngayon. (1 Sam. 3:1, 15) Si Timoteo ay nagkaroon ng isang mainam na reputasyon bilang isang masigasig na kabataang Kristiyano. (Gawa 16:2) Ang ebanghelisador na si Felipe ay nagkaroon ng apat na anak na babae na nanghula, na nagpapakita na nanguna siya sa pagtulong sa kaniyang pamilya na maglingkod kay Jehova. Ang mga miyembro ba ng inyong sambahayan ay gumagawa ng pagsisikap upang magtulungan sa isa’t isa sa paglilingkod sa larangan bilang mga alagad ni Kristo?

4 Dapat na isaayos ng mga magulang na sumama sa kanila ang mga anak sa ministeryo sa larangan mula sa kamusmusan. Ito ay bahagi ng pananagutan ng magulang. Ang pagbibigay ng mabuting halimbawa ay isa sa pinakamainam na paraan upang ang mga anak ay magkaroon ng wastong mga tunguhin at mabuting motibo. Sinasabi ng Bibliya: “Ang mabuti ay nag-iiwan ng mana sa mga anak ng kaniyang mga anak.” (Kaw. 13:22) Yamang ang mga maka-diyos na magulang ang siyang pangunahing tinutularan ng mga kabataan, mapasisigla ang mga anak na unahin ang kapakanan ng Kaharian kung taimtim na nangunguna ang mga magulang sa ministeryo sa larangan.

5 Kadalasan kahit na yaong mga napakabata pa ay maaaring magbigay sa mga maybahay ng isang handbill o isang tract. Maaari silang magkaroon ng bahagi sa gawaing pangangaral sa pamamagitan kaypala ng pag-aanyaya sa mga tao sa ating Kingdom Hall, na ipinababatid sa kanila na sila’y tinatanggap. Maraming kabataan ang nasiyahang magpatotoo sa pamamagitan ng magasin. Sila’y naghahanda ng maiikling presentasyon sa pinakabagong mga magasin. Sa mga pintuan, maaaring sabihin ng mga magulang na ang kanilang anak ay sinasanay sa ministeryo at siya’y nasisiyahang sumama sa kanila. Ang mga batang mamamahayag ay maaaring anyayahang mag-ingat ng house-to-house record o bumasa ng mga kasulatan sa pintuan. Gaya ng inyong nakikita, ang pagkakaroon ng bahagi ay nagpapangyaring higit na masiyahan sa paggawa ang ating mga kabataan.

6 Gumagamit ba kayo ng panahon sa pagtuturo sa inyong mga anak sa pamamagitan ng paggawang kasama nila sa paglilingkod sa larangan? Kayo ba mga kabataang mamamahayag ay nagpapahalaga sa tulong na natatamo ninyo at nagpapakita ng pagnanais na sumama sa inyong mga magulang o sa iba sa paglilingkod sa larangan? Makatitiyak kayo na si Jehova ay nalulugod sa inyo kapag ginagawa ninyo ang gayon. Nakasisiyang makitang ikinakapit ng ating mga anak ang mga bagay na ating itinuturo sa kanila.—Kaw. 23:15, 24.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share