Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG ENERO 11-17
10 min: Angkop na Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian at lokal na mga patalastas.
20 min: “Pinahahalagahan ba Ninyo ang Kanilang Halaga?” Tanong-sagot. Magkaroon ng maikling paghaharap ng matatandang aklat, na ginagamit ang mga ideya sa parapo 5. Pasiglahin ang lahat na magkaroon ng lubusang bahagi sa pamamahagi ng matatandang aklat sa Enero at Pebrero.
15 min: Pahayag sa “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Dapat ba Akong Sumunod sa Pinakabagong Uso?” salig sa Awake! ng Agosto 8, 1986 (Enero 8, 1987 sa Gumising!).
Awit 211 at panalangin.
LINGGO NG ENERO 18-24
10 min: Lokal na mga patalastas. Magpasigla upang itaguyod ang gawain sa magasin sa Sabado, Enero 24. Itanghal ang isang 60-segundong presentasyon sa Bantayan o sa Gumising!
20 min: “‘Humayo at Gumawa ng mga Alagad!’—Ginagawa ba Ninyo?” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo. Idiin ang kahalagahan ng tamang saloobin, palaging pananalangin ukol sa tulong ni Jehova, pagsasagawa ng tunay na pagsisikap upang makasumpong ng isang pag-aaral, at pagnanais na gamitin ni Jehova upang tulungan ang iba na matuto ng katotohanan. Magtapos sa pamamagitan ng apat na minutong pagtatanghal ng isang mamamahayag na lumapit sa tagapangasiwa sa paglilingkod upang pasalamatan siya sa mga ibinigay na mungkahi. Humiling ng karagdagang mungkahi. Binanggit ng tagapangasiwa sa paglilingkod na nakapaglagay ang mamamahayag ng maraming brochure at aklat at tinanong kung makatutulong sa kaniya na may makasama siya sa pagdalaw-muli upang sikaping mapasimulan ang isang pag-aaral. Sumang-ayon ang mamamahayag. Sinabi ng tagapangasiwa sa paglilingkod na gagawa siya ng kaayusan. Iminungkahi rin niya na maaaring lumapit ang mamamahayag sa kapitbahay, kamag-anak, kamanggagawa o kamag-aral sa kaniyang pagsisikap na makapagpasimula ng isang pag-aaral. Kapag nakakita siya ng mga baguhan sa Kingdom Hall, maaaring lapitan niya at alamin kung sila’y may pag-aaral.
15 min: Tulungan ang mga Kabataan na Makibahagi sa Pagbibigay ng Patotoo. Pakikipanayam at mga pagtatanghal. Ang mga magulang ay may pangunahing pananagutan na turuan ang mga kabataan mula sa pagkasanggol. (2 Tim. 3:15) Sa paglilingkod sa larangan, nais ng mga kabataan na sila’y kasali sa halip na walang ginagawa. Tanungin ang isa o dalawang magulang kung paano nila isinasangkot ang kanilang mga anak sa pagbibigay ng patotoo. Kung may sapat na gulang na, mayroon ba silang bag na may Bibliya at literatura? Paano ninyo ipinakikilala ang mga kabataan at pinahihintulutang makibahagi sa pagbasa ng kasulatan o gumawa ng pag-aalok? Itanghal sa maikli kung paanong ang isang kabataan ay makapagbibigay ng walang bayad na tract sa maybahay kapag ang alok mula sa isang maygulang na mamamahayag ay tinanggihan. Gayundin, itanghal sa maikli kung paano ipakikilala sila ng magulang at pababasahin ng kasulatan. Pasiglahin ang lahat na maging palaisip sa pagtulong sa mga kabataan na makibahagi sa pagbibigay ng patotoo sa mga pintuan.—Tingnan ang Mateo 21:16.
Awit 53 at panalangin.
LINGGO NG ENERO 25-31
13 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita. Himukin ang lahat na makibahagi sa pagpapatotoo sa unang Linggo sa Pebrero 1. Pantanging himukin ang mga baguhan na makibahagi at ang mga magulang ay gumawa kasama ng kanilang mga anak.
17 min: “Maghanda Para sa Pantanging Gawain sa Tag-araw na Ito.” Tanong-sagot. Pasiglahin ang lahat na isaalang-alang ang pag-aauxiliary payunir simula sa Pebrero hangga’t maaari. Ipabatid kung ano ang ginagawa ng mga matatanda upang matiyak ang isang matagumpay na kampanya.
15 min: Patuloy na Gumawa ng Pagsulong. (Fil. 3:16) Pahayag ng punong tagapangasiwa. Papurihan ang kongregasyon sa gawain nito sa ministeryo at ang paraan ng pagpapakita ng pag-ibig ng mga kapatid. (2 Tes. 1:3) Anyayahan ang lahat na isaalang-alang ang mga paraan upang mapalawak ang personal na ministeryo. (Tingnan ang om, kabanata 9.) Ilakip ang komendasyon at mainit na pagpapahalaga sa pagsulong na naisagawa ng mga regular at auxiliary payunir. Upang higit pang matulungan ang mga regular payunir, isang pulong ang idinaos kasama sila sa unang bahagi ng buwang ito. Magtapos sa pamamagitan ng taos sa pusong pagpapasigla na patuloy na gumawa ng pagsulong, lalo na sa mga buwang ito ng tag-araw.
Awit 123 at panalangin.
LINGGO NG PEBRERO 1-7
10 min: Lokal na mga patalastas.
17 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng Pagsubaybay Kaagad sa Interes.” Tanong-sagot na pagsaklaw. Kapag isinasaalang-alang ang parapo 4, itanghal ng isang mamamahayag sa unang pagdalaw ang kaayusan para sa isang pagdalaw-muli sa linggo ring iyon. Pagkatapos na isaalang-alang ang parapo 5 at 6, itanghal ang pagtanggi ng isang maybahay sa alok na literatura at ang pagpapatuloy ng mamamahayag sa isang maigsing pakikipag-usap sa Bibliya. Habang papalayo sa pintuan ang mamamahayag at ang kaniyang kasama, pinag-usapan nila ang dahilan kung bakit kailangan silang dumalaw-muli.
18 min: “Ang mga Abuloy na Nagpapagalak sa Puso.” Pahayag sa artikulo ng Disyembre 1, 1986 ng Bantayan. Gumawa ng lokal na pagkakapit.
Awit 118 at panalangin.