Mga Patalastas
● Ang alok na literatura sa Enero at Pebrero: Ang mga matatandang publikasyon ay iaalok sa mababang halaga. (Tingnan ang Mga Patalastas sa Disyembre, 1986 ng Ating Ministeryo sa Kaharian ukol sa detalye.) Marso: Aklat na Mabuhay Magpakailanman sa ₱35.00, ang maliit sa ₱17.50. Abril at Mayo: Isang taong suskripsiyon sa Ang Bantayan sa ₱60.00.
● Mayroon pa tayong suplay ng aklat na Hindi Maaaring Magsinungaling sa Bicol, Cebuano, Hiligaynon, Pangasinan at Tagalog. Mayroon din tayong aklat na Life Everlasting sa Cebuano at Iloko. Sa loob ng dalawang buwang kampanya taglay ang matatandang publikasyon, ang mga ito ay makukuha ng mga mamamahayag sa kongregasyon sa ₱1.00 at ng mga payunir sa 50 sentimos. Ang mga ito ay maaaring ilagay sa madla sa ₱1.00. Maaari kayong pumidido sa Samahan karakaraka. Pagkatapos na mailagay ang mga ito, huwag kalilimutan na humiling ng credit sa inyong S-20, na tinitiyak kung ilan ang kinuha ng mga payunir at ilan ng mga mamamahayag.
● Dapat na isaayos ng punong tagapangasiwa na maipamahagi ang card na MEDICAL ALERT sa pagpapasimula ng unang pulong ukol sa paglilingkod na nasa Ating Ministeryo sa Kaharian na ito. Ang kapatid na gaganap sa mga patalastas ay dapat na magbigay ng paalaala hinggil sa paggamit ng card. Pinasisigla ang mga kapatid na punan kaagad ang card, pirmahan ito nang wasto, saksihan, at petsahan. Pumidido na ngayon ng suplay kung wala na nito.
● Ang Memoryal sa taong ito ay ipagdiriwang sa Linggo, Abril 12, 1987, pagkatapos lumubog ang araw. Hindi na kakailanganing pididuhin ang mga paanyaya sa Memoryal yamang ang mga ito ay ipadadala sa bawa’t kongregasyon. Ang halaga nito ay lilitaw sa inyong statement ng kuwenta sa takdang panahon. Hangga’t maaari ang bawa’t kongregasyon ay dapat na magsaayos ng kanilang sariling Memoryal sa halip na magtipong kasama ng iba pang kongregasyon. Gayumpaman, kung may tatlo o higit pang kongregasyong gagamit ng iisang Kingdom Hall, maaaring gumawa ng ibang kaayusan tulad ng pag-arkila ng isang lugar. Subali’t iminumungkahi na kapag isinagawa ito, kahit na isa man lamang kongregasyon ay dapat na magdiwang sa Kingdom Hall sa kapakinabangan ng mga taong interesado na maaaring dumalo.
● Ang pantanging pahayag pangmadia para sa panahon ng Memoryal ng 1987 ay ibibigay sa buong daigdig sa Linggo, Marso 29. Ang paksa ng pahayag ay “Ano ang Inyong Kaugnayan sa Diyos?” Ang balangkas ay ilalaan sa lalong madaling panahon. Ang mga kongregasyon na may dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito o may nakatakdang pansirkitong asamblea sa linggong iyon ay magkakaroon ng pantanging pahayag sa susunod na linggo. Walang kongregasyon ang magbibigay ng pantanging pahayag bago ang Marso 29.
● Pakisuyong pumidido ng ekstrang magasin para sa Abril at Mayo sa katapusan ng Enero hangga’t maaari. Pahahalagahan namin na isaalang-alang kaagad ninyo ang pangangailangan sa magasin, na isinasaalang-alang ang malaking bilang ng mga auxiliary payunir na maglilingkod sa buwang iyon.
● Sa Enero ay magpapadala kami sa bawa’t kongregasyon ng apat na kopya ng bagong Cost List. Ang isa nito ay para sa salansan ng kongregasyon; ang iba ay ibibigay sa tatlong kapatid na nangangalaga sa kuwenta, magasin at literatura. Yamang mayroong detalyadong tagubilin na inilalaan sa Cost List na ito, iminumungkahi namin na basahin ng mga matatanda at ministeryal na lingkod nang maingat ang pambungad nito.
● Sa Hunyo, 1986 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, ipinatalastas namin na mayroon na tayong apat na tomong New World Translation sa edisyong malalaki ang titik. Gayumpaman, napansin namin na bagama’t sa naunang surbey na ipinadala ay marami ang nagpahayag na nais nila na magkaroon ng Bibliyang ito na malaki ang titik, iilan lamang ang aktuwal na pumidido nito hanggang ngayon. Maaari kayong pumidido ng buong Bibliya na apat na tomo sa ₱600.00, o isa lamang tomo para sa ₱150.00. Ang halaga sa payunir ay ₱360.00 para sa buong Bibliya at ₱90.00 para sa bawa’t tomo. Tingnan ang Hunyo, 1986 na Ating Ministeryo sa Kaharian para sa detalye.
● Makukuhang mga Bagong Publikasyon:
Aklat na Creation (maliit na edisyon)—Ingles
Brochure na Government—Arabic
Reasoning From the Scriptures—Intsik
Aklat na Creation (malaki)—Kastila
● Mayroon na Naman:
Paksang Mapag-uusapan—Ingles, Iloko, Tagalog
Aklat na Mga Kuwento sa Bibliya—Cebuano, Iloko, Tagalog
Bibliya (edisyong Watchtower)—Cebuano