Maghanda Para sa Pantanging Gawain sa Tag-araw na Ito
1 Ang mga buwan ng Pebrero hanggang Mayo ay mga buwan ng tag-araw sa kalakhang bahagi ng bansa. Desidido ba tayo na gamitin ang mga buwang ito sa pagpuri kay Jehova? Nang nakaraang taon, tayo ay nagtamo ng napakainam na resulta, na nagkaroon ng sunod-sunod na peak sa mamamahayag mula Enero hanggang Abril, anupa’t inabot ang 95,746 noong Abril. Sa gawaing auxiliary payunir, tayo ay halos nakaabot sa 5,000 noong Pebrero, at pagkatapos ay halos 10,000 noong Marso, 19,225 noong Abril, at 10,427 noong Mayo. Ano ang maaari nating asahan sa taong ito?
100,000 MAMAMAHAYAG SA ABRIL?
2 Ang Analysis Report na natanggap mula sa bawa’t kongregasyon ay nagpapakita na noong Agosto 31, 1986, nagkaroon ng 99,132 mga aktibong mamamahayag sa listahan sa Pilipinas. Ito ay may kahigitang 10,000 sa bilang na nasa listahan nang nakaraang taon! Walang pagsalang marami pa ang nakapagsimulang magpatotoo mula noong Agosto, at ang iba pa ay sasama sa kanila sa pantanging kampanya sa tag-araw na ito. Kaya, hindi ba makatuwirang asahan natin na maabot ang mahigit pa sa 100,000 mga mamamahayag sa Abril o kahit na bago pa ito?
3 Sabihin pa, upang mangyari ito, kakailanganing tayong lahat ay maging alisto upang manatiling aktibo, at maging interesado rin sa kapakanan ng iba pa sa kongregasyon. (Fil. 2:4) Sa pamamagitan ng maibiging tulong ng mga matatanda at iba pang maygulang na mga mamamahayag at payunir, walang alinlangan na mapasisigla natin ang lahat ng mga mamamahayag ng Kaharian sa Pilipinas na makisama sa ministeryo lalo na sa Abril.
PAGPAPALAWAK NG ATING MINISTERYO
4 Ang mga buwang ito ay naglalaan ng mainam na pagkakataon upang mapalawak ang ating bahagi sa ministeryo sa larangan sa pamamagitan ng pag-aauxiliary payunir. Maaari ba kayong makibahagi ng ilang buwan sa tag-araw na ito? Ngayon na ang panahon upang gumawa ng inyong piano upang lubusan ninyong samantalahin ang mainam na pagkakataong ito. Ang mga nasa paaralan ay walang pagsalang magnanais na mag-auxiliary payunir sa panahon ng kanilang bakasyon. Maging palaisip tayong lahat sa pagpapayunir, na pinasisigla ang iba pa na pasulungin ang kanilang bahagi sa ministeryo sa larangan sa angkop na panahong ito.
5 Maaaring makatulong ang mga matatanda sa pamamagitan ng pagtiyak na ang kinakailangang suplay, tulad ng mga magasin at alok na literatura ay patiunang pinipidido sa Samahan. Kakailanganin ang ekstrang mga magasin dahilan sa maraming mga auxiliary payunir ang gumagawa sa larangan.
6 Oo, lahat tayo ay gumawang samasama upang ang tag-araw na ito ay maging isang pantanging panahon ng teokratikong gawain!