Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG ABRIL 12-18
10 min: Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian at lokal na mga patalastas. Magbigay ng mungkahi mula sa Abril 1 at 15 ng Bantayan na maaaring gamitin sa pag-aalok ng mga suskripsiyon. Ipakita kung papaano ito maiuugnay sa Paksang Mapag-uusapan.
20 min: “Naghahayag ng Kaharian ni Jehova.” Tanong-sagot. Kapag tinatalakay ang mga parapo 4 hanggang 6, magkaroon ng dalawang maikling pagtatanghal kung papaano ihaharap ang mga suskripsiyon na ginagamit ang mga ibinigay na mungkahi.
15 min: Pahayag ng tagapangasiwa sa paglilingkod hinggil sa mga resulta ng pantanging gawain sa Abril. Yaong hindi pa nakapag-uulat hanggang sa Abril 12 ay kailangang matulungan. Pasiglahin ang lahat na mga auxiliary at regular payunir at gayundin ang mga matatanda at ministeryal na lingkod na tulungan ang mga ito, lakip na ang mga di-aktibo, bago matapos ang Abril. Kapag ibinigay ng kalihim ang listahan ng mga hindi nag-uulat, ang atas ay maaaring ibigay sa mga indibiduwal na makatutulong sa kanila.
Awit 6 at panalangin.
LINGGO NG ABRIL 19-25
10 min: Lokal na mga patalastas at ulat ng kuwenta. Kung ang mga abuloy ay lumitaw na sa statement ng Samahan, ito ay maaaring banggitin sa kongregasyon. Magpasigla para sa gawain sa magasin sa Sabado.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Na Ginagamit ang Iba’t Ibang Bahagi ng Aklat na Reasoning.” Tanong-sagot. May kaugnayan sa parapo 4, isang mamamahayag ang magtanghal kung papaano gagamitin ang bahaging “If Someone Says—.”
15 min: “Gumawa ng Mabuti sa Lahat.” Pagtalakay sa tagapakinig. Idiin ang pagtulong sa mga dumadalo sa Memoryal upang makapagpasimula ng mga pag-aaral at himukin sila na dumalo nang palagian sa mga pulong.
Awit 42 at panalangin.
LINGGO NG ABR. 26—MAYO 2
12 min: Lokal na mga patalastas. Magpasigla para sa pagpapatotoo sa unang Linggo ng Mayo 3. Ipagunita sa lahat na ibigay karakaraka ang ulat sa Abril sa katapusan ng buwan.
20 min: “Paghahanda at Pagdaraos ng mga Pantahanang Pag-aaral sa Bibliya.” Tanong-sagot.
13 min: Kapanayamin ang ilang regular at auxiliary payunir, na inaalam kung ano ang naging dahilan at sila’y nagpayunir, at anong mga hadlang ang napagtagumpayan nila. Ihanda ito nang patiuna upang mapasigla ang iba pa na malapit nang magpayunir.
Awit 113 at panalangin.
LINGGO NG MAYO 3-9
10 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita. Itanghal ang isang presentasyon sa magasin na maaaring gamitin sa Sabadong ito.
20 min: Pagtulad sa Ating Mapagbigay na Diyos. Tatalakayin ng matanda ang sumusunod na punto at mga kasulatan sa tagapakinig. Si Jehova ang dakilang Tagapagbigay sa sansinukob: Sant. 1:17; Gawa 17:25; Awit 145:15, 16; Juan 3:16. Dapat tayong magbigay taglay ang tamang motibo: Heb. 13:16; Mat. 6:1, 2. Dapat tayong magmalasakit sa isa’t isa at sa ating pamilya: 1 Ped. 4:9; Mar. 7:11-13. Ang pag-aabuloy para sa gawaing pang-Kaharian ay dapat na planuhin at maging regular hangga’t maaari: 1 Cor. 16:2; ihambing ang Deuteronomio 26:10, 11. Ang mga Israelita ay hinilingang mag-abuloy sa organisadong paraan para sa maa̱raming bagay: Bil. 18:8; 1 Cron. 29:7, 9. Ano ang ilang mga bagay na nangangailangan ng ating materyal na tulong sa panahong ito? Pambuong daigdig na pangangaral, mga asamblea, mga lokal na kongregasyon, abp. Magtapos sa pamamagitan ng positibo at nakapagpapatibay na mga komento. Bumanggit ng lokal na mga pangangailangan kung mayroon. Nakaliligaya na ang 100 porsiyento ng salaping iniabuloy sa organisasyon ni Jehova ay nagtungo sa pagpapasulong ng gawaing pang-Kaharian. Pinagpapala ni Jehova ang mga mapagbigay.—Ecles. 11:1.
15 min: “May Pakinabang ba sa Pagdurusa?” Pahayag salig sa artikulo sa Pebrero 15, 1987 Bantayan, mga pahina 22-25.
Awit 12 at panalangin.