Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/87 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
km 4/87 p. 3

Mga Patalastas

● Alok na literatura sa Abril at Mayo: Isang taong suskripsiyon para sa Ang Bantayan sa ₱60.00. Hunyo: Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya sa ₱35.00. Hulyo: Aklat na Mabuhay Magpakailanman sa ₱35.00, ang maliit sa ₱17.50.

● Ang mga pidido ay maaari nang ipadala ngayon para sa mga tomo ng 1986 na The Watchtower at Awake! Ang mga pidido ay sisingilin sa kuwenta ng kongregasyon at mamarkahan ng “later” sa invoice. Kapag dumating ang mga tomo mula sa Nueva York, ipadadala ang inyong mga pidido. Pagkatanggap sa mga ito, ang bayad na ₱70.00 para sa bawa’t tomo ay dapat na ipadala sa Samahan kasama ng inyong susunod na remittance.

● Yamang ang Abril ay isang pantanging buwan, pakisuyong tiyaking ipadala ang inyong ulat ng kongregasyon sa paglilingkod sa larangan ng hindi lalampas sa Mayo 6. Hinihimok ang lahat ng mga mamamahayag na makipagtulungan sa mga matatanda sa pamamagitan ng pagtiyak na ang kanilang ulat sa Abril ay naibibigay kaagad sa katapusan ng buwan.

● Ang ulat ng dumalo sa Memoryal ay dapat na maipadala kaagad sa Samahan pagkatapos ng pagdiriwang sa Abril 12. Pakisuyong huwag ng maghintay pa sa katapusan ng Abril bago ipadala ang card sa Memoryal.

● Yamang ang Abril 16 at 17 at Mayo 1 at 6 ay pista opisyal, dapat na isaayos ng mga kongregasyon ang pantanging gawain sa paglilingkod sa larangan para sa mga mamamahayag at auxiliary payunir upang samantalahin ang pagkakataon.

● Makukuhang mga Bagong Publikasyon: (Ang mga pidido ay maaaring ipadala pagkatapos ng Abril 1, 1987)

Sing Praises to Jehovah (maliit na songbook)​—⁠Cebuano, Iloko, Tagalog

● Tungkol sa mga bagong songbook sa Tagalog, nais naming imungkahi na kapag natanggap ang mga ito, ang lahat sa kongregasyon ay dapat na umawit sa iisang wika lamang, sa halip na ang ilan ay umaawit sa Ingles at ang iba naman ay sa Tagalog. Magpapangyari ito na magkaroon ng nagkakaisang tinig sa pagpuri kay Jehova.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share