Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG MAYO 10-16
10 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita. Ipabatid sa kongregasyon ang maiinam na resultang tinamo sa Abril gaya ng ipinakikita ng ulat sa paglilingkod sa larangan. Papurihan ang lahat sa kanilang masikap na paggawa. Mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan para sa dulong sanlinggo.
20 min: “Maging Maningas sa Espiritu.” Tanong-sagot. Sa parapo 3, magharap ng maikling pagtatanghal na nagpapakita kung papaanong ang isang pagdalaw-muli sa layuning paningasing muli ang interes ay magagawa sa mga dumalo sa Memoryal na dati nang nakikipag-aral. Sa parapo 4, magbigay ng pampatibay-loob sa lahat na patuloy na magpayunir sa Mayo at Hunyo, o maging mga regular payunir hangga’t maaari. Himukin ang lahat na huwag manghihina pagkatapos ng gawain sa Abril.
15 min: Pahayag sa “Lagi bang Nasasakyan Mo ang Kahulugan?” salig sa artikulo ng Bantayan sa isyu ng Abril 1, 1987, mga pahina 27-30.
Awit 122 at panalangin.
LINGGO NG MAYO 17-23
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Idiin ang gawain sa magasin sa Sabadong ito. Magkaroon ng 30-hanggang 60-segundong pagtatanghal sa presentasyon ng magasin, na ginagamit ang kasalukuyang isyu.
20 min: “Tulungan ang mga Bagong Alagad na ‘Sumulong Tungo sa Pagkamaygulang.’” Tanong-sagot. Idiin ang kahalagahan na ang mga baguhan ay maging pamilyar sa mga aklat na Nagkakaisa sa Pagsamba at Ating Ministeryo at sa patuloy na pagtulong sa kanila kahit na pagkatapos ng bautismo. Kung ang kongregasyon ay kulang sa suplay ng mga publikasyong ito, tiyakin na umorder kaagad yamang ang mga ito ay mahalaga sa pagtulong sa mga bagong alagad na magkaroon ng isang mabuting pundasyon sa katotohanan.
15 min: Pahayag sa “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Paano Ko Masusupil ang Aking Galit?” salig sa Gumising! ng Mayo 8, 1987.
Awit 124 at panalangin.
LINGGO NG MAYO 24-30
5 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: “Pag-akay ng Interes Tungo sa Organisasyon.” Tanong-sagot. Sa parapo 4, dapat magharap ng dalawang pagtatanghal. Maaaring gamitin ng isang mamamahayag ang unang punto sa parapo pagkatapos ng pag-aaral. Pagkatapos ay maaari ding itanghal ng mamamahayag na iyon ang ikalawang halimbawa sa parapo kung papaanong tinutustusan ang organisasyon. Patibayin ang lahat na dalhin ang brochure na ito sa kanilang mga pag-aaral at pasulong na gamitin ito upang magpatibay ng pagpapahalaga para sa organisasyon.
25 min: Pagpapamalas ng Kristiyanong Asal. Rerepasuhin ng matanda sa tagapakining ang sumusunod na punto hinggil sa mabuting asal:
(2 min.) Ang mabuting asal ay binibigyan ng kahulugan bilang pagpapakita ng konsiderasyon sa maliliit na bagay tulad ng pagiging nasa panahon, paghingi ng pahintulot bago kunin ang mga bagay na pag-aari ng iba, pagpapasalamat at pagsasabi ng “pakisuyo,” abp. Ang pinakasaligang simulain ay pag-ibig.
(10 min.) Sa kongregasyon: Ang mga pamilya na may maliliit na anak ay nagpapakita ng konsiderasyon sa iba sa pamamagitan ng pag-upo sa likuran upang hindi magambala ang iba. Kapag umiiyak ang bata, ang mabuting asal ay naipakikita ng mga magulang kung pansamantala silang aalis sa bulwagan upang payapain ang bata. (Ihambing ang Mateo 7:12.) Ang Kristiyanong asal ay hindi nagpapahintulot na magsalita habang may pagpupulong, dumating nang huli sa mga pulong o pahintulutan ang mga bata na madalas magtungo sa palikuran o tumakbo sa loob ng Kingdom Hall. (Ecles. 3:1, 7; 1 Cor. 14:40) Kapag dumadalo sa pag-aaral ng aklat, angkop lamang na manamit nang angkop kagaya ng pagdalo sa regular na pulong sa Kingdom Hall.
(8 min.) Sa paglilingkod sa larangan: Ang Kristiyanong asal ay humihiling na ang isa ay maging maayos sa paglilingkod sa larangan—masinop, malinis, limpiyado ang sapatos, suklay ang buhok, plantsado ang damit. Ang isang taimtim at palakaibigang ngiti at pagbati ay isang bahagi din ng Kristiyanong asal. (Luk. 10:5) Kapag nangangaral sa mataong lansangan, kailangang maging mataktika, palakaibigan, hindi masyadong mapamilit, hindi nakakaabala sa pagdaan ng tao. Kapag dumadalaw-muli, magpakita ng pagpapahalaga sa pagkamapagpatuloy sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagiging sobrang pamilyar.—Fil. 1:27.
(5 min.) Ang bagay na ang isa ay nagtataglay ng mabuting motibo ay hindi nagbibigay katuwiran upang limutin ang tungkol sa Kristiyanong asal. (Luk. 6:31) Bagaman maaaring madama ng ilan na ang Kristiyanong asal ay di masyadong mahalaga, ito ay kailangan.—2 Cor. 6:3-7.
Awit 106 at panalangin.
LINGGO NG MAYO 31—HUNYO 6
5 min: Lokal na mga patalastas. Pasiglahin ang lahat na itaguyod ang unang Linggo ng pagpapatotoo sa Hunyo 7.
18 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang Aklat na mga Kuwento sa Bibliya at Brochure na ‘Narito!’” Tanong-sagot. Itanghal ang mga presentasyon sa parapo 5 at 6. Pasiglahin ang lahat na magkaroon ng lubusang bahagi sa paghaharap ng mga publikasyong ito sa dulo ng sanlinggong ito.
10 min: Mga karanasan sa pagpapasimula ng mga bagong pag-aaral sa Bibliya. Aalamin ng matanda kung sinu-sino ang nakapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya sa nakaraang mga buwan at kapanayamin ang isa o dalawang mamamahayag kung papaanong ang mga pag-aaral ay napasimulan at kung papaano ito sumusulong.
12 min: Pahayag sa “Tulong sa Paggawa ng Matatalinong Pasiya” salig sa artikulo ng Bantayan ng Mayo 15, 1987, mga pahina 21-23.
Awit 40 at panalangin.