Teokratikong mga Balita
◆ Nag-ulat ang Argentina ng mga bagong peak na 66,882 mamamahayag at 86,637 mga pag-aaral sa Bibliya. Sa kampanya kamakailan, 26,685 mga suskripsiyon ang nakuha.
◆ Nalugod ang Ecuador na mag-ulat ng isang bagong peak na 11,534 mamamahayag. Isang peak na 22,184 pag-aaral sa Bibliya ay inabot din.
◆ Nag-ulat ang Guatemala ng isang peak na 9,587 mamamahayag. Mga bagong peak sa regular payunir at pagdalaw-muli ay inulat din, kalakip ng 12,659 na mga pag-aaral sa Bibliya.
◆ Ang Hapon ay nag-ulat ng isa pang bagong peak ng mamamahayag—119,498. Mahusay ang paggamit ng mga mamamahayag sa brochure na “Narito!”, anupa’t ang bilang ng kanilang pag-aaral sa Bibliya ay sumulong ng 3,000 sa loob ng isang buwan. Nag-ulat sila ng 166,277 pag-aaral sa Bibliya.
◆ Ang Peru ay nag-ulat ng 24,807 mamamahayag, ang ikatlo nilang sunud-sunod na peak. Ito’y 16-porsiyentong pagsulong kung ihahambing sa aberids noong nakaraang taon.
◆ Ang Senegal ay umabot sa isang bagong peak na 492 mamamahayag, isang 9-porsiyentong pagsulong kung ihahambing sa aberids noong nakaraang taon. Ang mga mamamahayag sa kongregasyon ay nagka-aberids ng 14.6 oras sa paglilingkod sa larangan.