Teokratikong mga Balita
◆ Ang Dominican Republic ay nag-ulat ng isang peak na 11,205 na mga mamamahayag. Sumulong ang mga pag-aaral sa Bibliya hanggang 20,067, 18-porsiyentong pagsulong mula nang nakaraang isang taon. Ang mga pagdalaw-muli ay sumulong ng 25 porsiyento.
◆ Natamo ng Guyana ang 8-porsiyentong pagsulong taglay ang peak na 1,468 mga mamamahayag.
◆ Naabot ng Ireland ang kaniyang ikasiyam na sunod-sunod na peak na 2,930 ang nag-ulat. Isang peak na 298 mga regular payunir ang iniulat din.
◆ Isang bagong peak na 163,692 mga mamamahayag ang naabot sa Italya, 5-porsiyentong pagsulong kaysa aberids nang nakaraang taon. Ang mga mamamahayag ng kongregasyon ay nagka-aberids ng 13.1 oras sa paglilingkod.
◆ Ang Martinique ay nagkaroon ng isang bagong peak na 2,649 na mga mamamahayag, 9-porsiyentong pagsulong. Ang kanilang pantanging asamblea ay dinaluhan ng 4,941, at 77 ang nabautismuhan.
◆ Ang Peru ay nag-ulat ng isang bagong peak na 29,187 mga mamamahayag, 11-porsiyentong pagsulong kaysa gayunding buwan isang taon na ang nakararaan. Ang mga mamamahayag ng kongregasyon ay nagka-aberids ng 14.8 na oras sa larangan.