Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG PEBRERO 8-14
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Talakayin ang mga tampok na bahagi sa iaalok na bagong mga magasin. Pasiglahin ang lahat na makibahagi sa gawain sa magasin sa Sabadong ito.
20 min: “Magpapayunir ba Kayo Ngayong Tag-araw?” Tanong-sagot. Sa pagtalakay sa mga parapo 3 at 4 makabubuting ibigay ang lokal na bilang nang nakaraang taon, at ipakita din kung ano ang lokal na tunguhin para sa auxiliary payunir ngayong Abril. Himukin ang lahat na dumalo sa pulong para sa auxiliary payunir sa Pebrero 21.
15 min: Pampasigla mula sa mga payunir. Kapanayamin ang dalawang regular payunir at dalawa na nag-auxiliary payunir noong Abril. Ano ang nagpasigla sa kanila na magpatala? Anong mga hadlang ang napagtagumpayan nila? Anong pampasigla ang maaari nilang ibigay sa mga nagnanais na magpayunir? Anong mga kapakinabangan ang kanilang tinanggap? Ang bawa’t kapanayamin ay dapat na makapagpasigla sa marami hangga’t maaari na mag-auxiliary payunir ngayong Abril.
Awit 204 at panalangin.
LINGGO NG PEBRERO 15-21
10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita. Ulat ng kuwenta; basahin ang sagot ng Samahan para sa lahat ng mga abuloy sa Samahan, lakip na ang tulong sa mga misyonero upang dumalo sa mga kombensiyon sa 1988 sa kanilang sariling bansa.
10 min: “Gamitin ang mga Bagong Publikasyon sa Paggawa ng Kalooban ng Diyos.” Tanong-sagot. Kumuha ng personal na reaksiyon sa mga bagong labas na ito. Ang pagdiriin ay dapat na gawin sa kahalagahan ng paggamit sa mga paglalaang ito ni Jehova upang mangaral at magturo ng mabuting balita.
10 min: “Tiyakin ang Higit na Mahahalagang mga Bagay.” Pahayag.
15 min: Pahayag sa artikulong “Ang Pagbibigay Mo ba ay Isang Pagsasakripisyo?” mula sa Bantayan ng Disyembre 1, 1987, pahina 28.
Awit 224 at panalangin.
LINGGO NG PEBRERO 22-28
10 min: Lokal na mga patalastas. Magbigay ng mungkahi tungkol sa mga litaw na punto sa kasalukuyang mga magasin at gumawa ng maikling pagtatanghal. Pasiglahin ang lahat na makibahagi sa gawain sa magasin sa Sabadong ito.
20 min: “Pagsasagawa ng Kinakailangang mga Bagay Upang Paluguran ang Diyos.” Tanong-sagot na pagtalakay. Banggitin na ang muling inimprentang artikulo mula sa Hunyo 22, 1982 Awake! ay makukuha na ng mga mamamahayag para sa kanilang pakikipag-usap sa mga doktor.
15 min: Pahayag salig sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Mahalaga ba ang Pagiging Kaibigan ng Diyos?” sa Nobyembre 22, 1987 ng Gumising!
Awit 216 at panalangin.
LINGGO NG PEB. 29–MAR. 6
10 min: Lokal na mga patalastas. Pasiglahin ang mga sambahayan na tangkilikin ang unang Linggong pagpapatotoo sa Marso 6. Banggitin ang mga litaw na punto at mga ilustrasyon sa aklat na Worldwide Security na maaaring gamitin sa pag-aalok nito sa Marso.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Pagpapatotoo Nang Impormal.” Tanong-sagot na pagtalakay. Magtanong, sa pamamagitan ng pagtataas ng kamay, kung ilan ang unang nakatanggap ng katotohanan sa pamamagitan ng impormal na pagpapatotoo. Isaalang-alang ang isa o dalawang karanasan habang ipinahihintulot ng panahon.
15 min: Pahayag sa “Pagwawalang-Bahala sa Babala at Pagsubok sa Diyos” salig sa artikulo sa Bantayan ng Disyembre 15, 1987, pahina 21.
Awit 1 at panalangin.