Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/88 p. 1-2
  • Magpapayunir Ba Kayo Ngayong Tag-araw?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Magpapayunir Ba Kayo Ngayong Tag-araw?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
  • Subtitulo
  • 25,000 AUXILIARY PAYUNIR SA ABRIL?
  • PAGPAPAYUNIR BILANG ISANG KARERA
Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
km 2/88 p. 1-2

Magpapayunir Ba Kayo Ngayong Tag-araw?

1 Ang apostol Pablo ay sumulat: “Ang naghahasik na sagana ay mag-aani namang sagana. Magbigay ang bawa’t isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso.” (2 Cor. 9:6, 7) Ang simulaing ito ay lalong totoo kapag ang isa ay “naghahasik na sagana” sa pamamagitan ng paggugol ng higit na panahon sa ministeryo sa larangan bilang isang auxiliary o regular payunir.

2 Ang mga buwang tag-araw ng Pebrero hanggang Mayo ay naglalaan ng napakainam na pagkakataon na makapaglaan ng higit na panahon sa ministeryo sa pamamagitan ng pagpapayunir. Kayo ba’y “nagpasiya sa inyong puso” na maging isang payunir ngayong tag-araw?

25,000 AUXILIARY PAYUNIR SA ABRIL?

3 Nang 1987 kagalakang makita ang 5,433 mga auxiliary payunir noong Pebrero, 9,611 noong Marso, 21,567 noong Abril, at 12,285 noong Mayo. Noong Abril ay nagkaroon tayo ng kabuuang 35,424 na nasa gawaing payunir, na 35% ng ating kabuuang mamamahayag. Maraming mga bansa ang nakapag-ulat ng 40% o mahigit pa na mga nasa gawaing payunir. Hindi ba’t isang napakainam na bagay na sa Abril ay maabot din natin ang tunguhing ito? Yamang tayo ay mayroong humigit-kumulang sa 15,000 mga regular payunir, ito ay nangangahulugang dapat tayong makapag-ulat ng mga 25,000 auxiliary payunir sa Abril. Kayo ba ay magiging isa sa kanila?

4 Ang bilang na ito ay maaaring maabot kung ang bawa’t kongregasyon ay magkakaroon ng kahit na 25% ng mga mamamahayag (kasali ang mga regular payunir) na nasa paglilingkurang auxiliary payunir. Nang nakaraang taon ay maraming kongregasyon ang nag-ulat ng 50% o higit pa na nasa paglilingkurang auxiliary payunir. Kahit na tayo ay maraming regular payunir kaysa noong nakaraang taon, marami din tayong mga bagong mamamahayag, na ang karamihan sa mga ito ay magnanais na makatikim sa kagalakan ng pagpapayunir.

5 Hinihimok namin ang lahat na dumalo sa pulong sa Pebrero 21 ng mga mag-aauxiliary payunir sa Marso, Abril at Mayo. Kapag nakita ninyong marami ang pumapasok, walang pagsalang kayo ay mapasisiglang makibahagi din.

PAGPAPAYUNIR BILANG ISANG KARERA

6 Napansin ba ninyo mula sa numero sa itaas na maliwanag na marami ang nag-auxiliary payunir sa loob ng tatlo o apat na sunod-sunod na buwan noong nakaraang tag-araw? Ang pagsasagawa nito ay nagdudulot ng higit pang kagalakan kaysa basta pagsasagawa nito sa isa lamang buwan. At ang marami dito pagkatapos ay nagpatala bilang mga regular payunir o nagpatuloy bilang mga palagiang auxiliary payunir, anupa’t ginawang kanilang karera ang pagpapayunir.

7 Kaya pinasisigla namin ang lahat, lalo na ang mga bagong bautisado sa pandistritong kombensiyon, na tikman ang kagalakan ng pagpapayunir ngayong tag-araw. Ito ay magpapalaki sa inyong pagpapahalaga at magpapabilis sa inyong pagsulong tungo sa pagkamaygulang. Ito rin ay maaaring magbigay sa inyo ng gana upang gawing karera ang gawaing pagpapayunir.

8 Idalangin natin na pagpalain ni Jehova ang ating mga pagsisikap na mapasulong ang papuri para sa kaniyang pangalan sa pamamagitan ng pagpapayunir sa mga buwan ng tag-araw.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share