Teokratikong mga Balita
◆ Ang isla ng Kiribati ay nag-ulat ng isang bagong peak na 24 na mga mamamahayag para sa Mayo, 60-porsiyentong pagsulong kaysa aberids nang nakaraang taon. Ang mga mamamahayag ng kongregasyon ay nagka-aberids ng 19.5 na oras sa larangan.
◆ Ang New Caledonia ay nagkaroon ng isang peak na 954 na mga mamamahayag noong Mayo. Ang kanilang mga pansirkitong asamblea ay dinaluhan ng 2,159, at 30 ang nabautismuhan.
◆ Ang Nigeria ay nagkaroon ng pinakamataas na bilang noong Mayo na 134,543 mga mamamahayag. Hanggang sa panahong ito ng taon ng paglilingkod 5,456 ang nabautismuhan, na 16.1 porsiyento ang kahigitan kaysa bilang ng nabautismuhan sa gayon ding yugto ng panahon nang nakaraang taon.
◆ Naabot ng Espanya ang isang bagong peak ng mamamahayag nang 73,309 ang nag-ulat noong Mayo, 9-porsiyentong pagsulong kaysa aberids noong nakaraang taon. Ang mga mamamahayag ng kongregasyon ay nagkaroon ng aberids na 12.5 oras.
◆ Ang Hong Kong ay nagkaroon ng mga bagong peak na 1,735 na mga mamamahayag at 2,866 na mga pag-aaral sa Bibliya noong Mayo. Noong Mayo ay may isa pang Kingdom Hall na inialay. Ngayon ay mayroon ng anim na mga Kingdom Hall na pag-aari ng mga kongregasyon at ang mga ito ay naglilingkod sa 13 ng mga 20 nakarehistrong kongregasyon.
◆ Ang Curaçao ay nag-ulat ng isang peak na 1,476 na mga mamamahayag noong Mayo, ang kanilang ikalimang peak sa taong ito ng paglilingkod.