Teokratikong mga Balita
◆ Ang Bolivia ay nag-ulat ng isang bagong peak na 6,701 mga mamamahayag. Sa kabila ng pagiging taglamig, ang mga mamamahayag ng kongregasyon ay nagka-aberids ng 14.2 oras sa paglilingkod.
◆ Ang Cote d’Ivoire ay nag-ulat ng isang bagong peak na 3,070 mga mamamahayag. May 717 mga mamamahayag na nasa gawaing pagpapayunir, na ito’y 23 porsiyento ng mga mamamahayag. Ang mga payunir ay nagdaraos ng 51 porsiyento ng mga pag-aaral sa Bibliya.
◆ Ang bagong peak ng Ecuador na 15,201 mga mamamahayag ay 20-porsiyentong pagsulong kaysa aberids noong nakaraang taon. Ang mga auxiliary payunir ay sumulong ng 66 na porsiyento kaysa gayon ding buwan nang nakaraang taon.
◆ Ang Guadeloupe ay nag-ulat na 12,339 ang dumalo sa mga pandistritong kombensiyon, at 308 ang nabautismuhan. Ito ay napakainam kung ihahambing sa kanilang peak na 5,980 mga mamamahayag.
◆ Ang New Zealand ay nagkaroon ng 10-porsiyentong pagsulong taglay ang isang bagong peak na 11,007 mga mamamahayag.