Teokratikong mga Balita
◆ Ang Ecuador ay nagkaroon ng isang bagong peak na 13,576 na mga mamamahayag noong Nobyembre, 10-porsiyentong pagsulong kaysa ng gayunding buwan isang taon na ang nakararaan. Ang mga pag-aaral sa Bibliya ay tumaas ng 13 porsiyento, na 26,463 sa mga ito ang idinaraos.
◆ Ang Pransya ay nakaabot sa isang bagong peak na 105,307 mga mamamahayag noong Nobyembre. Ang mamamahayag ng kongregasyon ay nagka-aberids ng 12.3 sa buwang iyon.
◆ Sa French Guiana, taglay ang peak na 531 mga mamamahayag, ay may dumalong 1,230 sa kanilang serye ng pantanging asamblea, at 18 ang nabautismuhan.
◆ Ang Guam ay naliligayahan sa 323 mga mamamahayag noong Nobyembre na siyang pinamakataas na bilang sa lahat ng panahon. Ang kanilang programa sa katatapos pa lamang na pansirkitong asamblea ay dinaluhan ng 518 at 9 ang nabautismuhan.
◆ Ang Madagascar ay nagkaroon ng isang bagong peak na 3,069 na mga mamamahayag noong Oktubre na 10 porsiyentong pagsulong.