Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG HUNYO 12-18
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Itanghal ang dalawa o tatlong maikling presentasyon sa magasin na magiging angkop sa lokal na teritoryo, ang bawa’t isa ay nagtatampok lamang ng isang artikulo.
20 min: “Apurahang Ipahayag ang mga Kahatulan ni Jehova.” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo. Ipabatid sa kongregasyon ang oras at lugar ng alinmang karagdagang mga pagtitipon bago maglingkod para sa kampanya sa Hunyo taglay ang aklat na Apocalipsis. Itanghal ng may karanasang mamamahayag ang presentasyon salig sa impormasyon sa parapo 5. Isaalang-alang ang mga kasulatan habang ipinahihintulot ng panahon.
15 min: Mga Kabataang Nag-iingat ng Katapatan. Nakapagpapasiglang pahayag na nagtatampok sa mga karanasan sa 1989 Yearbook tungkol sa pananampalataya ng mga kabataan sa Austria. Isama ang mga pahina 111-12, 118-19, at 123-5.
Awit 160 at pansarang panalangin.
LINGGO NG HUNYO 19-25
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Papurihan ang kongregasyon para sa materyal na pagtangkilik na kanilang ibinigay, at ipaabot ang pagpapasalamat para sa mga abuloy na tinanggap ng Samahan. Balangkasin ang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan para sa dumarating na sanlinggo at pasiglahin ang mga grupo ng pamilya na makibahagi sa ministeryo sa bahay-bahay sa unang Linggo ng Hulyo.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan Ng Lubusang Paggamit ng Aklat na Nangangatuwiran.” Tanong-sagot. Itanghal ang pambungad na itinampok sa parapo 3 at ang mungkahi sa pagharap sa pagtutol sa parapo 4.
15 min: “Patuloy na Maghanap gaya ng Natatagong Kayamanan.” Pahayag salig sa artikulo ng Marso 15, 1989 ng Bantayan, mga pahina 4-6. Gamitin ang aktuwal na mga halimbawa na ibinigay sa artikulo upang ipakita ang kahalagahan ng paggamit sa lahat ng publikasyon ng Samahan kapag nag-aaral o gumagawa ng mga pagsasaliksik sa mga katanungan sa Bibliya.
Awit 180 at pansarang panalangin.
LINGGO NG HUNYO 26–HULYO 2
8 min: Lokal na mga patalastas at “Tanong” sa pahina 4. Balangkasin ang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan sa susunod na sanlinggo, ipagunita sa lahat ang gawain sa magasin sa ika-2 Sabado ng Hulyo.
20 min: “Paglalagay sa Kautusan ng Diyos sa ‘Ating mga Panloob na Sangkap.’” Tanong-sagot na pagtalakay sa unang apat na parapo. Saka anyayahan ng kapatid na gaganap sa bahaging ito ang dalawang huwarang mamamahayag sa plataporma para sa pag-uusap ng tatlo sa mga parapo 5-7. Maaaring humiling ng maikling kapahayagan ng pagpapahalaga para sa mga bagong publikasyon. Maaaring ilahad ng grupo kung papaano sila o ang iba pa ay nakinabang mula sa personal na pag-aaral at pagsasaliksik.
17 min: Mga Paalaala sa Araw-araw para sa Pagpapatibay ng Espirituwalidad. Tatalakayin ng kuwalipikadong kapatid na lalake kasama ang dalawa o tatlong mamamahayag kung papaanong ang mga indibiduwal at mga grupo ng pamilya ay makikinabang mula sa mga paalaala sa araw-araw gaya ng teksto sa araw-araw, taunang teksto, at impormasyon sa kalendaryo. Tayo ay nangangailangan ng mga paalaala mula kay Jehova. (Awit 119:2; Gawa 17:11) Ipakita kung papaanong ang malimit na paalaala ay makapagpapasigla sa atin at makatutulong sa ministeryo.
Awit 91 at pansarang panalangin.
LINGGO NG HULYO 3-9
8 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita.
20 min: “Gumagamit ba Kayo ng Angkop na Pambungad?” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo. Pasiglahin ang lahat na pasulungin ang mga pambungad. Magsanay kasama ng iba, na ginagamit ang mga mungkahi sa aklat na Nangangatuwiran. Sa pagsasaalang-alang sa mga parapo 4-6, gumawa ng maikling pagtatanghal ang mga may kakayahang mamamahayag na maingat na sinusundan ang mga pambungad sa aklat na Nangangatuwiran.
12 min: Lokal na pangangailangan, o kaya’y ang may kakayahang konduktor sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat ay tumulong sa dalawa o tatlong mamamahayag na pumili ng isang mabuting pambungad na magagamit kapag iniaalok sa Hulyo at Agosto ang brochure na Ang Pamahalaan na Magdadala ng Paraiso. Gamitin ang mga pahina 9-15 ng aklat na Nangangatuwiran para sa angkop na mga mungkahi, lalo na yaong tumatalakay sa Kaharian. Dapat banggitin din ng grupo ang magagandang litaw na mga punto sa brochure na magiging mabisa sa paglalagay niyaon.
5 min: Mga karanasan. Maglahad ang mga mamamahayag ng dalawa o tatlong maiikling karanasan tungkol sa naging bunga ng pag-aalok ng aklat na Apocalipsis sa Hunyo, lalo na kung may nakuhang mabubuting interes ang mensahe nito.
Awit 92 at pansarang panalangin.