Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG SETYEMBRE 11-17
12 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Pasiglahin ang lahat para sa gawain sa magasin sa Sabadong ito. Ilakip ang maikling pagtatanghal sa paghaharap ng kasalukuyang magasin.
23 min: “Maglagay ng Personal na mga Tunguhin Para sa Bagong Taon ng Paglilingkod.” Tanong-sagot na pagkubre. Ibigay ang ulat ng kongregasyon sa nakaraang taon ng paglilingkod, na ipinakikita ang pagsulong. Upang ipakita ang indibiduwal na pagsulong, magtanong kung ilan ang nakapagpasimula ng mga pag-aaral, nakapag-auxiliary payunir sa unang pagkakataon, o naging regular payunir sa taon ng paglilingkod.
10 min: “Kayo ba ay Magpapayunir sa Nobyembre?” Masiglang pahayag ng isang matanda. Maaaring gamitin ang mga punto sa Mayo 1, 1985 ng Watchtower, mga pahina 13-17 hinggil sa pagpapayunir. Himukin ang lahat na gawing isang buwan ng pagpapayunir ang Nobyembre hangga’t maaari.
Awit 15 at pansarang panalangin.
LINGGO NG SETYEMBRE 18-24
10 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita. Ulat ng kuwenta at tugon sa anumang abuloy. Magpasigla ukol sa pagpapatotoo sa unang Linggo, Oktubre 1.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang Sari-saring Paraan sa Pagbabahay-bahay.” Pagtalakay na may pakikibahagi ang tagapakinig. Sa parapo 2 at 3, itanghal ng mamamahayag ang 30-hanggang 60-segundong presentasyon. Kapag isinasaalang-alang ang mga parapo 4 at 5, itanghal ang dalawang pambungad mula sa aklat na Nangangatuwiran o sa Hulyo 15, 1988 na Bantayan.
15 min: Lokal na mga pangangailangan o pahayag salig sa artikulong “Anong mga Pamantayan ang Umuugit sa Iyong Buhay?” mula sa Marso 22, 1989 ng Gumising!, mga pahina 8-10.
Awit 34 at pansarang panalangin.
LINGGO NG SET. 25–OKT. 1
8 min: Lokal na mga patalastas. Ipagunita sa kongregasyon ang hinggil sa kampanya ng suskripsiyon sa Gumising!; himukin ang lahat na maging alisto sa mga pagkakataon na makakuha ng mga suskripsiyon. Magbigay ng iba’t ibang mungkahi na maaaring subukan.
17 min: “Iginagalang ba Ninyo ang Inyong Kingdom Hall?” Tanong-sagot. Dapat na gampanan ng matanda, na itinatampok ang mga punto na kakapit sa lokal na paraan.
20 min: Mga Kristiyanong Babae—Iginagalang at Kagalang-galang na Miyembro ng Kongregasyon. Pahayag ng isang matanda mula sa aklat na Nangangatuwiran, mga pahina 46-51 (431-5 sa Ingles). Papurihan ang mga kapatid na babae sa pamumuhay ng naayon sa binalangkas ng Bibliya para sa kanila.
Awit 82 at pansarang panalangin.
LINGGO NG OKTUBRE 2-8
8 min: Lokal na mga patalastas. Magpasigla para sa pamamahagi ng magasin sa Sabadong ito. Magbigay ng mga litaw na punto na maaaring gamitin mula sa kasalukuyang mga magasin.
24 min: “Mga Kabataan, Magpatotoo Nang Mabisa sa Paaralan.” Ilakip ang tatlong pagtatanghal ng mga kabataang Saksi na ginagamit ang mungkahing presentasyon sa mga parapo 4-6.
13 min: Mga Resulta sa Pagpapatotoo ng mga Kabataan sa Paaralan. Gagampanan ng isang matanda. Gumamit ng mga lokal na karanasan. Kung walang magagamit na lokal na mga karanasan, ang mga sumusunod na karanasan ay maaaring ilahad ng ilang huwarang kabataan: 1989 Yearbook, pahina 45, mga parapo 1, 2, at pahina 49, mga parapo 1, 2; 1988 Yearbook, pahina 53, mga parapo 1-3, at pahina 60, mga parapo 1-3. Pasiglahin ang mga kabataan na manguna sa paghanap ng mga pagkakataon na makapagpatotoo sa paaralan. Himukin ang mga magulang na tulungan ang kanilang mga anak na maghanda upang mabisang makapagpatotoo sa paaralan.
Awit 75 at pansarang panalangin.