Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG OKTUBRE 9-15
7 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Magpasigla para sa gawain sa magasin sa Sabado.
18 min: “Kayo ba’y Nangangaral na May Layunin?” Tanong-sagot na pagtalakay sa materyal. Pagkatapos talakayin ang parapo 5, itanghal ng mamamahayag kung papaano maaaring ialok ang suskripsiyon sa isang pagdalaw muli, na ginagamit ang isyu ng Oktubre 8.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng May Katapangang Pagpapatotoo sa Dako ng Negosyo.” Tanong-sagot na pagtalakay sa materyal ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Magpasigla ukol sa higit na pakikibahagi sa pag-abot sa mga negosyante sa teritoryo. Pagkatapos na isaalang-alang ang mga parapo 6 at 7, itanghal ang pag-aalok ng magasin at suskripsiyon sa mga dako ng negosyo.
Awit 92 at pansarang panalangin.
LINGGO NG OKTUBRE 16-22
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Banggitin ang mga tugon sa abuloy. Papurihan ang mga kapatid sa pagiging alisto sa pinansiyal na pangangailangan ng kongregasyon at sa pambuong daigdig na gawaing pangangaral at proyekto sa konstruksiyon.
22 min: “Pagtatamo ng Kagalakan sa Higit na Paglalagay ng mga Magasin.” Tanong-sagot. Ihambing ang aberids ng kongregasyon sa nailagay na magasin sa nakaraang taon. Kapag isinasaalang-alang ang parapo 6, talakayin ng dalawang payunir ang ilang tampok na bahagi mula sa Mayo, 1984 ng insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian. Magpalitan ang bawa’t payunir sa paghaharap ng 30- hanggang 60-segundong presentasyon ng magasin.
13 min: “Tanong.” Pangangasiwaan ng punong tagapangasiwa ang pagtalakay sa tagapakinig, na ipinababasa ang mga parapo.
Awit 128 at pansarang panalangin.
LINGGO NG OKTUBRE 23-29
10 min: Lokal na mga patalastas. Talakayin ang angkop na mga pambungad mula sa aklat na Nangangatuwiran na maaaring gamitin sa mungkahing Paksang Mapag-uusapan. Itampok ang Teokratikong mga Balita habang ipinahihintulot ng panahon.
15 min: “Ang Paksang Mapag-uusapan.” Pahayag na may pakikibahagi ang tagapakinig. Kapanayamin ang dalawang payunir, na tinatanong kung aling paksa ang nagamit nilang mabisa sa teritoryo ng kongregasyon.
20 min: “Kayo ay Inaanyayahan sa 1989 ‘Maka-Diyos na Debosyon’ na Pandistritong Kombensiyon!” Ang kalihim ng kongregasyon ay mangangasiwa sa tanong-sagot na pagtalakay sa mga parapo 1-13 at repasuhin sa maikli ang “Mga Pagunita sa Pandistritong Kombensiyon.”
Awit 156 at pansarang panalangin.
LINGGO NG OKT. 3–NOB. 5
10 min: Lokal na mga patalastas at pagsasaalang-alang ng pang-araw-araw na teksto. Banggitin sa maikli ang tungkol sa alok na literatura sa Nobyembre na New World Translation kasama ng brochure na Narito! at magbigay ng ilang litaw na punto na maaaring gamitin sa pag-aalok nito sa madla.
20 min: “Kayo ay Inaanyayahan sa 1989 ‘Maka-Diyos na Debosyon’ na Pandistritong Kombensiyon.” Tatalakayin ng punong tagapangasiwa ang mga parapo 14-27 sa kongregasyon. Idiin ang pananagutan ng indibiduwal at ng mga magulang upang hindi makapagbigay ng kadahilanan para mapulaan ang bayan ni Jehova. Pasiglahin ang mga ulo ng pamilya na repasuhin sa sambahayan ang payo sa insert ng isa o dalawang araw bago dumalo sa kombensiyon.
15 min: Lokal na pangangailangan o pagtalakay sa Hulyo 1, 1989 ng “Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa,” na pinasisigla ang mga kabataan na abutin ang lalo pang mga pribilehiyo ng paglilingkod.
Awit 152 at pansarang panalangin.