Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG ENERO 8-14
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Talakayin ang mga espesipikong punto sa pinakahuling labas ng mga magasin na maaaring gamitin sa gawain sa magasin sa susunod na Sabado.
15 min: Bagong Paksang Mapag-uusapan. Talakayin ang mga kasulatan at kung papaano umaalalay ang mga ito sa puntong binanggit. Repasuhin ang mga pambungad sa “Mga Huling Araw” sa aklat na Nangangatuwiran, pahina 13. Pagkatapos ay itanghal ng may kakayahang mamamahayag ang Paksa na ginagamit ang kasalukuyang alok.
20 min: “Buhay na Walang Hanggan—Ating Tunguhin.” Tanong-sagot na pagtalakay. Ilakip ang isang pagtatanghal na nagpapakita kung papaanong ang mga litaw na puntong iminungkahi sa parapo 5 ay maaaring gamitin pagkatapos na matalakay ang huling teksto sa Paksa. Ang ikalawang pagtatanghal ay magpapakita kung papaanong ang isang tanong mula sa aklat na Nangangatuwiran ay maaaring ibangon kapag tinanggihan ng maybahay ang alok, gaya ng tinalakay sa parapo 6.
Awit 40 at pansarang panalangin.
LINGGO NG ENERO 15-21
10 min: Lokal na mga patalastas. Ilakip ang ulat ng kuwenta, kasama ng tugon ng Samahan sa mga kontribusyon ng kongregasyon.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Bawa’t Isa.” Tanong-sagot. Maikling mga pagtatanghal: (1) presentasyon ng mga magasin sa lansangan; (2) paghaharap ng kasalukuyang alok sa mga tindahan; at (3) paghaharap ng tract sa abalang maybahay sa gawain sa bahay-bahay.
15 min: Mga Kagalakan ng Pagpapayunir. Kapanayamin ang ilang regular payunir na nanggaling na sa Pioneer Service School at kung papaano naging kapakipakinabang sa kanila ang paaralan. Kung walang nakapag-aral, maaaring humiling ng mga karanasan mula sa mga payunir o sa mga nakapag-auxiliary payunir kamakailan. Isama sa pagtalakay ang artikulong “Makikipagpulong ang mga Matatanda sa mga Payunir” sa pahina 4, na pinasisigla ang lahat ng mga payunir na dumalo, o kung naisagawa na ang pakikipagpulong, ay ikapit ang mga mungkahing ibinigay upang abutin ang kahilingan sa kanila sa oras.
Awit 193 at pansarang panalangin.
LINGGO NG ENERO 22-28
10 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita.
17 min: “Mag-alok ng mga Magasin sa Bawa’t Pagkakataon.” Tanong-sagot na pagkubre. Kapag isinasaalang-alang ang parapo 4, itanghal kung papaano lalapit sa isang tao na naghihintay ng pampublikong transportasyon.
18 min: Mga lokal na pangangailangan o pahayag salig sa artikulong “Mapalilipat Mo ang mga Bundok!” sa Disyembre 15, 1988 Bantayan, pahina 25-7.
Awit 144 at pansarang panalangin.
LINGGO NG ENE. 29–PEB. 4
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipagunita sa lahat na patuloy nating iaalok ang mga matatandang publikasyon sa Pebrero. Ipabatid sa kongregasyon kung anong mga aklat ang taglay pa nila at himukin ang lahat na kunin at ialok ang mga ito.
15 min: Pagpapamalas ng Mabuting Paggawi sa Kingdom Hall. Pahayag salig sa Ang Bantayan ng Hunyo 15, 1989, pahina 16-17. Itampok ang pangangailangang (1) dumating nang nasa oras, (2) magbigay ng matamang pansin sa programa, (3) magpakita ng mainit, personal na interes sa iba.
10 min: Ang mga Tungkulin ng mga Attendant sa mga Pulong ng Kongregasyon. Pagsasaalang-alang ng “Tanong” sa pamamagitan ng matanda at isa o dalawang kuwalipikadong attendant. Ipakita ang pangangailangan na ang lahat sa kongregasyon ay makipagtulungan sa mga attendant.
10 min: “Pagtayong Matatag Bilang Isang Kawan.” Pahayag ng matanda na may pakikibahagi ang tagapakinig.
Awit 213 at pansarang panalangin.